6. Makasalanan

89.3K 1.4K 152
                                    

Dedicated sa kanay kasi very good daw ang guy POV ko. Natuwa naman ako. Salamat po.

6.

"Charm! Charm!! Waaaaaaaaa! Wag mo akong iwan! Please! Waaaaaa!!!" Binilisan ko pa ang takbo ko at tawag sa kanya. Grabe ba't ba ang bilis niya maglakad?

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin ng nakataas ang kilay. ANg cute niya pa din kahit nakasimangot siya at nakataas ang kilay niya. Lalo siyang gumaganda pag nakaganyan siya. Aissshh! Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit parang naaadik ako kay Charm? Hindi maaari to. 

"Ano na naman ang problema mo Sampo at hinahabol mo ako?"  Sabi niya  habang nakacross ang dalawang braso niya sa dibdib.

"Saan ka pupunta?" Hihingal hingal pa ako habang nagsasalita.

"Magsisimba. Bakit?" Ang taray talaga! Wagas sa katarayan. Pero.. siya? Magsisimba? Weee???

"Nagsisimba ka?" Napalakas ang boses ko sa pagkagulat. Wala kasi sa ugali at itsura ni Charm ang magsimba. Isipin niyo na lang kung gaano siya kamaldita, kasadista, kasuplada tapos sasabihin niyang magsisimba siya? Parang may mali! Hehehehe.

"Gago!" Kita mo na? Sa pagmumura pa lang wagas na. "Anong akala mo sa akin makasalanan? Di ako katulad mo na makasalanan.!" Tsk. Tsk! Makasalanan talaga ang term. Pwede namang sinner di ba?

"Oi di ako makasalanan ha!" Di naman talaga eh. Bait bait ko nga eh.

"Whatever." tapos tumalikod na siya at iniwan na ako.

"Teka!"Nasasanay na siyng iwan iwanan na lang ako basta basta. Hindi ppwede to. Nakakasama sa image ko! Lol. May image!

"Sasama ako!" Nagulat ako sa sinabi ko, pero wala nang bawian, nasabi ko na eh. Bigla siyang tumigil , tapos parang slow motion na lumingon sa akin. Napakaseryoso ng mukha niya, tapos dahan dahang kumunot ang noo niya at tumaas ang kilay niya. Tapos nagsalita siya.

"WEH?" Parang hindi pa siya makapaniwala na sasama ako. Ang sama talaga ng tingin sa akin ng babaeng to.

"OO nga, sasama ako." Lumapit ako sa kanya. Nakita ko siyang nag shrug lang. Grabe! Parang di siya makapaniwala. Kahit ako nga parang di rin makapaniwala. Ako? Magsisimba? Kelan pa?

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon