37. Bukas gaganti ako.

52.2K 861 102
                                    

Thanks for the wonderful cover sis. 

37.

“Oi! Singkit!” Napatingin siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa upuan niya.

“Hi! Singkit!” Ganting bati niya sa akin. Nagsimula lang ang tawagan namin ng singkit nung minsang naasar siya sa akin tapos naniningkit na ang mga mata niya. Tapos sinabi kong wag siyang maasar kasi naniningkit lalo ang mata niya. Tapos sinagot niya akong ang lakas kong manlait eh singkit din naman ako. Kaya simula nun naging constant na ang tawagan namin ng singkit. Nauungusan na ang baby. Pero siyempre pagnaglalambingan kami  baby. Hahaha ang corny. Paksyet!

Okay na din kami. Natapos na ang suspension namin. Pero hanggang ngayon suspended pa din ako sa bahay. Hindi ako pwedeng gumala.  Grounded ako kasi nalaman ni Mommy na suspended ako. Kaya si Charm ang pumupunta sa bahay. Mas mabuti nga yun kasi nagiging close lalo sila ni Mommy at Daddy. Yun nga lang pag nanonood kami ng movie sa bahay may kasama kaming nakaupo sa sofa. Ni hindi ako makayakap o makahalik kasi bantay sarado ako.

At oo nga pala, hindi na din kami ginugulo ni chelsea. Hindi ko alam kung natanggap na ba niya dahil narealize niya na wala na talaga. Although naaawa ako sa kanya kaya ayun, iniismiran ako tuwing nagkakasalubong kami.

“Malapit na ang debut mo singkit. Anong plano mo?”  Isang buwan na lang  at debut na niya. Dalaga na talaga siya. Hinawakan ko ang kamay niya.

“Wala pa kasi di pa sure kung uuwi sila Mommy at Daddy. Pero kung uuwi sila malamang may handa pero kung hindi okay lang din na wala.” Sabi pa niya

“Dapat kahit papano may handa ka kasi debut mo yun. Dalaga ka na. Hindi ka na sipunin tulad nung highschool.” Seryosong sabi ko. Ni hindi ako ngumingiti. Bigla siyang bumitaw sa paghawak sa kamay ko. Nagkunyari akong nagulat tapos tumingin sa kanya. Ang sama ng tingin niya sa akin. Gusto ko ng tumawa. Asar talo talaga to.

“Anong sipunin? Kelan ako naging sipunin? Hindi ako sipunin nung highschool ha.” Tumaas na ng kunti ang boses   niya. Bakit ba kasi sarap na sarap akong asarin siya?

“O, easy lang. Nakalimutan mo na? Ako tandang tanda ko pa. Sa CR ng girls, ginamit mo pa nga ang panyo ko dahil sinipon ka. At alam mo bang may naiwan pang sipon sa polo ko nun?” Biglang namula ang pisngi niya. Hindi ko napigilan ang tumawa. For sure naalala din niya ang scene na yun. Ang scene na nalaman ko na gusto din niya ako. Kung ano ano kasi ang pinagsasabi habang nasa CR. Nabuking tuloy.  Hahaha.

Nung tiningnan ko siya hindi siya tumatawa pero naniningkit na naman ang mga mata niya. Tumikhim ako para pigilan ang tawa ko

“Kyaaaaahhhh! Papatayin kita Samuel!!” Tapos bigla niya akong sinabunutan. Wala siyang masabunot sa akin kasi manipis ang buhok ko. Pero hinawakan ko pa din ang mga kamay niya para kumalma siya. Grabe. Pikon talaga.

“Teka! Teka! Behave.” Tawa pa din ako ng tawa sa nagiging reaction niya. 

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon