45. Congrats

39.7K 697 70
                                    

45.

“Samuel Heindrick!” Napangiwi ako pagkarinig ko sa boses ni Mommy. Kakagising ko lang at alam kong nasa hospital ako. Nananakit pa ang katawan ko. 

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Halos mamatay na ako sa pag aalala dahil sa ginawa mo. ” Nakita ko ng umiyak si Mommy.

“I’m sorry Mom.” Yan na lang ang nasabi ko. Sa nangyari sa akin, parang natauhan na din ako. Madami na ang naapektuhan dahil sa nangyari sa amin ni Charm. Ano na lang ang mararamdaman nina Mommy pag napuruhan ako dahil sa aksidente? Pasalamat na nga lang ako wala galos at gasgas lang ang natamo ko and no major damage.

“Kukunin muna namin ang susi ng condo mo Heindrick and also your car, as if you can still use it. Sa bahay ka ng isang buwan and we don’t want to see something like this again. In short, grounded ka. Hindi kesyo matanda ka na eh hindi ka na pwedeng I ground.” At yun nga ang nangyari. Dalawang araw ako sa hospital at diretso na ako sa bahay. At nung sinabi pala ni Mommy na grounded, talagang grounded kasi hindi na niya ako pinapasok sa school. At dahil isang linggo na lang bago ang graduation at tapos na din ang mga exams kaya pumayag na din ang school.

                                         

Bumalik na lang ako ng school nung graduation day mismo. Kinamusta pa ako ng mga kaklase ko. Medyo magulo ang graduation namin sa dami ng tao. Pero hindi ko pa din mapigilan ang sarili kong hanapin siya. Aattend kaya siya? Oo gagraduate din ngayon si Charm. Hinabol niya ang ibang subjects para makagraduate kasabay namin. Yun nga lang hindi ko alam kung mamartsa ba siya dahil bukas mamartsa ulit siya. Hindi na para kunin ang diploma, kundi para makipag exchange ng wedding vows.

Nasasaktan pa din ako pag naalala ko ang katotohanang iyon. Hindi na ata yun maiaalis sa akin. Mahal ko eh. Oo aaminin ko mahal ko pa talaga siya. Hidni ko na pwedeng ikaila kasi hindi naman magiging ganun ang reaksiyon ko nung malaman kong ikakasal na siya kung wala na akong naramdaman para sa kanya.

Pero, dahil din sa aksidenteng yun narealize ko ang madaming bagay. Hindi lang pala kami ang naapektuhan sa mga nangyayari sa amin. Mas naapektuhan ang mga taong nakapaligid sa amin lalo na  ang parents namin.

Siguro nga wala na talaga. Ilang taon na ba na ganito kami? Hindi ko nga alam kung ano pa ba ang kulang? May hindi pa ba ako nagawa? May kulang pa ba? O nasobrahan kaya? Bakit kahit anong effort ang gawin bakit hindi pa din kami ngayon? O baka naman, I gave up too soon?  Or maybe we didn’t fight hard enough. Pero ano ba yung enough? Hanggang saan ang enough?

Ang alam ko kasi, hindi naman ako naggive up agad agad sa relasyon namin. I’ve tried to stick as hard  as I can. Pero ano pa ang magagawa ko kung ayaw akong ipaglaban? Kailangan ko ba ipagsiksikan ang sarili ko? Sobra naman na ata yun.

Hindi ba dapat two-way ang isang relasyon? Pero bakit hindi ko man lang naramdaman pinaglaban ako ni Charm? Nakakasakit lang ng loob. Pero hindi ko naman yun pwedeng isumbat sa kanya. At kahit siguro masama ang loob ko sa nangyari at nasasaktan ako, hindi ko kayang magalit sa kanya. At kahit siguro kasal na siya, mamahalin ko pa din siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan. Siguro in time makakamove on din ako, makakahanap ng ibang mamahalin. Pero sa ngayon, alam kong hindi pa ako nakakapagmove on. Masakit pa eh, naaapektuhan pa ako. But I know moving on takes time, for how long, yun ang hindi ko alam. Pero takte lang. Sana naman madaliin kasi ayaw kong maging miserable sa matagal na panahon.

Napabuntunghininga na lang ako dahil sa mga pinag iisip ko. Malapit ng matapos ang ceremony. Pagkatapos nito, siguro ito na din ang huling pagkikita namin ni Charm. Ikakasal na siya bukas at siguro doon na sila titira sa China. Ahhhhhhh.. kailangan ko na talagang kalimutan na to. Kailangan ko ng tanggapin na hindi kami para sa isa’t isa.

“Congratulations Heinz!” Napatingin ako sa nagsasalita. Tapos na ang ceremony at nagbabatian na ang lahat. Nakisabay din ako pero may hinahanap akong isang pamilyar na mukha. Nakita ko siya kaninang umakyat sa stage. Pumayat siya. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang napansin. Dahil siguro sa mga nakaraang buwan at taon halos hindi ko siya matingnan. Pero kanina tiningnan ko siyang mabuti dahil baka ito na ang huli naming pagkikita.

“Mamaya tol ha! Night out tayo.” Sabi pa ni Mike sa akin bago niya ako iniwan kasi naghihintay na din ang parents at girlfriend niya sa labas. Sila Mommy naghihintay na din. Naglalakad na ako palabas ng hall nung makita ko siyang papasok sa loob na parang may hinahanap.  Kahit pumayat siya ang ganda pa din niya. Napahinga ako ng malalim. Tapos tiningnan siya. Nagkatinginan kami. Parang naestatwa kami sa gitna ng hall at nagtitigan lang.

Siya ang unang nag iwas ng tingin at doon ko lang napansin na kasama niya si Lucky. Tried to hide the bitterness na naramdaman ko. Masama ang tingin ni Lucky sa akin kaya tiningnan ko din siya ng masama. Ano pa ang ikinagagalit niya? Nasa kanya na si Charm.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanilang dalawa at naglakad ulit. Hindi namin maiwasan na magkasalubong. Hindi ko na sana sila papansinin pero bago kami magkaharap nagsalita si Charm.

“Sam…congrats.” Mahina lang ang boses niya pero pakiramdam ko naging mute ang buong paligid. I fight the urge to hug her dahil kahit hindi niya sabihin, nararamdaman ko at dinig na dinig ko sa boses niya ang lungkot.  And because of that parang nabalot din ng lungkot ang puso ko. Potek! Kasasabi  ko lang na magmomove on na ako di ba? Pero bakit isang salita lang niya, at gustong gusto ko na lang siyang hatakin bigla bigla at itakbo? Amputa talaga oh!

Tumingin ako saglit sa kanya at tinanguan lang siya tapos naglakad na ako at hinanap sila Mommy. Pinilit kong kalimutan ang mga naramdaman ko. Umakto akong normal habang kumakain ako kasama ang pamilya ko. Pagkatapos naming magdinner dumiretso na ako sa bar kung saan kami magkikita nina Mike at ng iba pa naming classmates para icelebrate ang pag graduate namin.

 Nasa gitna na kami ng kasayahan nung may nareceive akong text message from an unknown number.

‘I know we didn’t end up well, Sam. I know that in the course of our relationship nagkasakitan tayo. I am sorry for hurting you. For not being able to fight for you. Tomorrow, I will be facing another stage of my life but I am hoping that there will come a time that we could be able to face each other without  pain. I am still hoping that we could be friends in the future. That’s the least I could hope for. Again, I’m sorry.’

Hindi na kailangan ilagay kung sino ang nagtext dahil unang sentence pa lang alam ko na kung sino. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Ilang beses kong binasa ang nakasulat. And everytime I did, lalong sumisikip ang dibdib ko. Ang pait lang lang ng kinahantungan namin. When I could not take it any longer, I replied. This time walang pagkukunyari. There’s no point na itago ko pa ang nararamdaman ko.

‘You know how I feel towards you Charm. Honestly, I am still willing to do everything that you ask for and anything that could make you happy. And if you think that you could be happy with him, I am willing to give you that happiness. There is only one thing that I have to ask you, don’t ask me to be your friend because I would be lying if I say that I am willing to be just a friend to you.’

I pressed send and turned off my cellphone and took the first liquor na nahawakan ko and drink it buttoms up. 

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon