Chapter 38

46.8K 835 113
                                    

38.

Ngayon na ang debut ni Charm. Kinakabahan ako kasi siyempre ako  ang escort. Nung araw na bumalik ang parents niya, napagpasyahan na magdedebut siya.  Naghire na lang ang parents niya ngparty planner kasi kinabukasan bumalik din sila ng China.

Ang daming bisita, mga kaklase namin nung highschool at college at mga  kakilala siguro ng parents ni Charm.

“Kinakabahan ka tol? Hindi ka pa naman ikakasal ah.” Puna sa akin ni Mike. Ganun na ba ka obvious ang kaba ko? Takte! Tama nga naman si Mike, mag eescort lang ako sa debut, hindi naman ako ikakasal. Pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan talaga ako.

Pinatayo na ako ng party planner sa baba ng hagdan at kapag tinawag na daw si Charm susunod na tatawagin ang name ko at susunduin ko si Charm sa hagdan at sabay kaming bababa, saka ko siya ihahatid sa table.

Maya maya pa nagsalita na ang emcee na hindi ko naman maiintindihan kung ano.

“Let us all welcome our debutant, Miss Charm Ming.” Automatic na napatingin ako sa taas and I almost held my breath upon seeing her. Ang ganda niya. Hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya.

“And her escort, Mr. Lucky Yu.” Aakyat na sana ako ng hagdan nung hinawakan ni Mike ang coat ko.

“Tol, hindi ikaw.” Malungkot na sabi ni Mike. Hindi ko na kasi pinansin ang pangalang tinawag. Tumingin ako kay Mike na nagtataka pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa lalaking paakyat ng hagdan para sunduin si Charm. Naikuyom ko ang kamao ko.

Akala ko ba ako ang escort? Bakit ang Lucky na yan ang escort? Lokohan ba to?

“Pucha! Anong karapatan niya?” Pinanood ko sila habang pababa ng hagdan. Unti unting naninikip ang dibdib mo. Ikaw ba naman makakita na iba ang escort ng girlfriend mo sa debut niya.

“Easy lang Heinz.” Inaakbayan na ako ni Mike. Hindi ko alam kung para ba I console ako o para pigilan ako sa anumang gawin ko. Pilit kong hinuhuli ang mga mata ni Charm pero hindi siya nakatingin sa akin. Parang gusto kong isipin na umiiwas siyang tumingin sa may gawi ko.

Diretso lang ang tingin niya at walang kangiti ngiti sa labi niya. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makarating sila sa table. Gusto kong lumapit pero masyadong obvious kasi nasa pinakaharap sila ng venue. And worst katabi niya si Lucky sa upuan kasama ang pamilya ni Lucky.

Naghintay ako sabuong ceremony at umupo na lang sa table nina Mike. Wala din nagtanong sa mga katable namin dahil na rin siguro sa hiya or sa takot dahil sa expression ko. Kailangan kong makausap si Charm. Ako ang last dance at kung hindi yun babaguhin, may pagkakataon akong makausap siya.

Pero dumating ang last dance and to confirm my doubt, hindi nga ako ang last dance kundi si Lucky. Gustong gusto ko ng magwala. Gustong gusto kong hablutin ang Lucky na yun at bugbugin. Tiniis ko hanggang sa matapos ang last dance.

Ilang beses na akong niyayang umalis ni Mike pero hindi ako umalis. Kailangan kong makausap si Charm. Gusto kong malaman kung bakit ganito ang nangyari. Ayaw kong magalit sa kanya ng hindi ko nalalaman ang side niya. Tama na yung mahaba naming pag aaway. Ayaw ko ng maulit ang ganung stage sa buhay namin. Kaya tiniis ko ang sakit ng gabing yun sa pag aakalang pagkatapos nun ay makapag usap kaming dalawa at magkaliwanagan. But it seems hindi pa tapos ang pasakit sa akin and it seems that it would never end.

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon