14. Bestfriend

67K 953 91
                                    

14.

Hinabol ko siya bago siya makalabas ng bahay. Nagtaka pa nga sina Mommy bakit bigla na lang nagpaalam na aalis na si Charm. Hindi na din ako nakapag explain kasi pagkatapos niyang magpaalam, dirediretso na siyang lumabas. May plano pa ata siyang maglakad. Eh ang layo layo ng gate ng subdivision namin sa sakayan.

Mabuti na lang inabutan ko siya at mabuti na alng din at sumakay siya sa sasakyan nung sinabihan kong ihahatid ko siya. Hala! Paano na to ngayon?

"Babe..." Tawag ko sa kanya pero ni hindi siya lumingon sa akin.

Takte! galit na galit na galit na galit talaga siya. Nakakuyom ang kamao niya. Parang pinipigilan lang niyang suntukin ako. Ano na ngayon ang gagawin ko?

Ilang beses din akong nag attempt na kausapin siya pero hindi siya nagsasalita. Hindi din siya tumitingin sa akin hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Nung tinigil ko na ang sasakyan, agad agad siyang lumabas. Tinawag ko pa siya pero hindi man lang siya lumingon.

Patay na talaga! I really messed up this time.

_____

Kahit nung sunod na araw sa school, di niya ako pinapansin. Ni tingin hindi niya magawa sa akin. Nagpapanic na ako. Nagtatanong na din mga kaibigan namin. Paano ba naman, buong araw siyang tahimik. Ni isang ngiti, hindi niya magawa.  Hindi siya ang dating si Charm na palangiti at jolly.

At takte! Nahihirapan na ako sa inaakto niya. Pati yung binili kong lunch sa kanya hindi niya pinansin. Parang mamamatay na ako sa pinaghalong kaba, lungkot, pagsisisi at kung ano ano pa. Ang hirap ng ganitong pakiramdam. Feeling ko binibitay ako ng paunti unti.

Pero sino ba ang sisisihin ko? Ako naman ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang mga to. Langya yan!

Kaya nung uwian, bago pa siya makaalis, inunahan ko na siya. Hinawakan ko na lang ang braso niya at hinatak siya. Nagpumiglas pa siya pero hindi ko siya binitiwan.

"Makikipagkita tayo kay Ash." Doon lang siya tumigil sa paghatak ng kamay niya. Hinatak ko na lang siya papunta sa kotse ko.

♥ Charm ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon