Pasilip sa Pait

26.4K 275 12
                                    


"5 minutes pa... hindi, kahit isang minuto lang e bigyan mo ako bago mo ako tuluyang iwanan.", kinakapos ako ng hininga dahil sa pinaghalong uhog at luha pero siya e isang magkasunod na iling lang ang ibinigay. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa kasi siya yun, mahal ko itong tao na ito kaya paano ako magagalit sa kanya?

"Ayaw na kitang masaktan kaya hayaan mo ng magkalayo tayo.", sambit niya na parang magkakapatid na saksak sa tainga at puso.

"Nasasaktan rin naman ako ngayon e. Ano ba ang pinagkaiba?", tugon ko na katulad ng dati e hindi ako tatanggap ng dahilan.

Umiling siyang muli at nagsimula ng lumayo pero heto ako, niyakap siya bigla at tuluyan nang bumuhos ang luha ko. Hindi ko na maalala ang mga salitang sinabi ko pero isa lang ang sigurado ako: walang minutong hindi ko sinabi sa kanya na bumalik na lang siya sa akin pero magkakasunod na 'hindi' lang ang ibinibigay niya sa akin.

Bumitaw na siya sa akin at sabay sa pagbitaw niya ay ang pagbuhos ng ulan sa puso ko at gayundin sa aking paligid. Mabasa man ako ngayon e wala namang pinagkaiba dahil nilalamig na rin naman ang puso kong kanina pa nagmamakaawa. Basa man ako ng tubig-ulan e lunod na rin naman ako ng lungkot.

Kwento ni B (SPG boyxboy)Where stories live. Discover now