Cinco

10.2K 154 0
                                    

Cinco.

"Oo naman... Jonathan.", nakangiti kong sambit sa lalake sa harap ko.

Siya si Jonathan, isa sa mga taong nakilala ko sa Cesium Bar limang taon na ang nakararaan. Pareho kaming devastated noong araw na iyon. Ako, nagdadalamhati pa rin sa mga masasamang pangyayari sa buhay ko habang si Jonathan naman ay isang call boy na unti-unti ng nawawalan ng customers dahil sa mga bagong call boys na nagsusulputan.

"Parang first time lang kagabi a.", natatawa kong bati sa kanya.

"E iyon naman ang utos mo e. Pero alam mo, magaling rin 'yung matanda. Swabe sumubo.", pagkukuwento ni Jonathan na parang ayaw ko ng marinig dahil parang kinikilabutan ako na marinig ang mga descriptions niya.

"Alam ko makakatulong sa iyo ito.", iniabot ko sa kanya ang envelope na may lamang pera.

Kinuha niya ang sobre ng pera tapos ay hinawakan ako sa balikat.

"Nakita kitang nahirapan at nasaktan kaya kita tinutulungan pero sana maging masaya ka na sa kalalabasan ng mga plano mong ito.", sambit ni Jonathan sa akin tapos ay binalik niya ang sobre ng pera.

"Bakit mo isinasauli? Hindi 'yan bayad para sa mga ginawa mo kagabi. Tulong ko iyan sa iyo.", sabi ko sa kanya. Siya lang ang tanging inaasahan ng nanay niya, dalawang kapatid at isang limang taong gulang na bata kaya ang anumang karagdagang pera ay makakatulong sa kanya at sa kanyang pamilya.

"Sige, tatanggapin ko iyan ngayon pero sa isang kondisyon.", pag-iinarte pa nito.

"Ano naman iyon?", tanong ko.

"Mag-iingat ka sa mga ginagawa mong iyan. Delikado ang mga bagay na ginagawa mo.", paalala niya sa akin.

"Opo. I just need to get it done tapos titigil na ako.", nakangiti kong sabi na sinabayan ko pa ng pagtaas ng kanang kamay ko tanda ng pangangako ko.

"Ok. Ok. Ingatan mo lagi ang sarili mo. Mauna na ako.", nakangiti niyang sabi sa akin tapos ay naglakad na siya palayo.

Matapos ang ilang saglit ay sumakay na rin ako ng kotse ko para tumuloy na sa opisina. Mukhang magiging busy ang araw na ito para sa akin dahil simula pa lang ay parang ang dami ng nangyari.

*beep*, biglang pagvibrate ng telepono ko. Isa na namang tawag mula sa isang unknown number.

"Yes, hello. May I know who's on the line?", pagsagot ko sa telepono.

"Hello Sir. Si Danica po ito.", tugon ng taong nasa kabilang linya.

"Danica? 'Yung secretary ni Big Y?", tanong ko sa kausap. Si Big Y ay si Mr. Hubert Yap, tatay ni Ernest at ang may-ari ng kumpanya.

"Yes po Sir."

"Bakit ka naman napatawag e wala naman si Big Y 'di ba?", pagtatanong ko.

"Ako 'yung dahilan kung bakit siya tumawag. Bakit wala ka pa sa workstation mo? 8 am na a!", biglang sabat ng isang nakaiiritang tinig. Si Ernest.

"I will be there in 10 minutes. No. Make it 15 kasi magpapark pa ako.", malamig na tugon ko kay Ernest.

"Be here ASAP."

"ASAP your face. See you later. Bye.", naiinis kong sambit kay Ernest sabay baba ng telepono.

Napapaisip tuloy ako kung dapat ko bang suportahan ang plano niya dahil sa kayabangan niya. Hindi ko maimagine na magiging under ako sa ganyang ka-hambog na tao. Pero sige, gagawin ko. Gagawin ko kasi may plano ako at kailangan siya sa plano ko.

Mabilis naman akong nakarating ng opisina at dumiretso ako sa kwarto ko para sana ibaba ang mga gamit at icheck ang mga sinend sa akin na concept ng mga tao ko in line sa project na pinapagawa ko sa kanila.

Kwento ni B (SPG boyxboy)Where stories live. Discover now