Veintiocho

3K 76 8
                                    

Veintiocho.

"So you're choosing him over me?", may pangangatal sa tinig niya nang sambitin ang mga salitang iyon.

"So this is about us now? Derek is in critical condition and you are asking me if I am choosing him over you?", hindi ko na alam kung ano ba ang sasabihin kay Ernest dahil ako man ay naguguluhan sa nararamdaman ko sa kanya at sa dati kong kasintahan.

"Pero bakit hindi mo masabing ako ang pinipili mo?"

"Because the mere fact na ikaw ang kasama ko ngayon at hindi siya ay patunay na ikaw ang pinili ko, di ba?", naluluha kong sambit dahil alam kong sa bawat segundong pumapatak ay ilang segundo na maaaring mawala si Derek nang hindi ko man lang siya nakikita ulit.

"Tama na. I guess I got paranoid with what Errol told me. Samahan na lang kita kay Derek.", sambit sa akin ni Ernest.

Hindi na ako nagsalita. Wala na akong balak pang makipagtalo at mas lalong wala akong balak pag-isipan pa ang mga bagay na nararamdaman ko.

Agad kaming umalis ni Ernest para tumungo sa ospital. Si Ernest na ang nagmaneho dahil napansin niyang nanginginig ang aking kamay.

Nakabibinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng sasakyan. May ilang pagkakataon na nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin habang ako naman ay patuloy na kunwaring nakatingin sa labas at walang napapansin.

"Malapit na tayo. Hindi mo ba talaga ako kakausapin?", si Ernest.

"Ano ba ang dapat kong sabihin?"

"Ewan. Just say something. I feel so uncomfortable na ganyan ka katahimik.", at tumingin siya sa akin at ngumiti na sinundan ng mabilis na paghawak niya sa kamay ko.

Ugh. That smile again.

Siguro nga ay naguguluhan ako sa ilang bagay pero sigurado ako na ang ngiti na iyon ang isa sa mga bagay na gusto kong makita sa paggising ko sa umaga. Hindi ko na rin napigilan ang mapangiti sa kanya kahit pa nga medyo naiinis ako sa inaasal niya kanina.

"Uyyy... ngumingiti na siya."

"Che. Tantanan mo ako.", pagsusungit ko sa kanya.

"Mahal ko..."

"Ano iyon? At bakit iyan ang tawag mo sa akin?", tanong ko sa kanya.

"Kasi mahal naman talaga kita 'di ba?"

Ngumiti na lang ako sa sinabi niya at binigyan siya ng halik sa kanyang labi. Nakarating na rin kami sa ospital at hawak pa rin niya ang kamay ko.

Mabilis kong tinungo ang ICU para malaman ang kalagayan ni Derek at doon ko nakita si Patrice.

"What happened Pat?", tanong ko sa kaibigan kong nagbalita sa akin sa nangyari sa dati kong kasintahan.

"Why are you here?" , biglang sulpot ng isang pamilyar pero hindi kaaya-ayang tinig.

"Ikaw ang bakit nandito?", pabalang kong tugon.

"Well, just in case you didn't know, I have his medical records. The very information needed to make sure that he will be alive in the next days. E ikaw? Bakit nandito ka?"

"I just want to know what happened to Derek.", composed kong tugon.

"He will be ok. If that is what you need to know then you may go now.", tugon niya sa akin.

"Pero bakit nga siya nandito?", pasigaw kong sambit.

"He had a heart attack."

"Heart attack? Pero..."

Kwento ni B (SPG boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon