Dieciseis

4.2K 115 7
                                    

Dieciseis.

Babe? Tama ba ako ng pagkakarinig na babe ang tawag ni Ernest sa babaeng kasama niyang pumasok sa loob ng funeraria. I was caught dumbfounded upon hearing that term of endearment. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Anong ibig sabihin ng mga salita niya kagabi at sino ba ang kasama niyang babae ngayon?

"Mukhang hindi ka na niya kailangan kaya pwede ka ng umuwi.", biglang sulpot ni Errol sa gawing likuran ko.

"What do you mean?", pagtataka kong tanong.

"I don't know if you're naïve or you are just plain stupid. Hindi mo ba nakita ang tinginan at hawakan nung dalawa?", pang-uuyam sa akin ng kapatid ni Ernest. Sa totoo lang, nakita ko ang mga bagay na sinasabi niya. May kung anong lagkit sa pagdampi ng mga balat nila sa isa't isa gayundin ang kung paanong ang kanilang mga mata'y tila nangungusap sa tuwing magtatama ang tingin nila.

"Do not be jealous though.", dugtong pa niya. "Alam mo namang engaged na si Rui, di ba?"

"Engaged?", tanong ko na mababanaagan ng pagkabigla. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa mga sinasabi ni Errol pero bakit naman siya magsisinungaling o gagawa ng kwento?

"Hasn't he told you yet? Anyway, you saw that girl he's with, right?", at tinuro niya pa sa akin ang direksyon na tinungo ni Ernest at ng babaeng kasama nito. Tumango lang ako sa sambit niya bilang pag-oo sa tanong niya sa akin.

"That is NicolIi Estrell David and that is Ernest's fiance."

"Why are you telling me this?", naiinis ko ng tanong.

"Ayoko lang na umuwi ka na naman ng luhaan kasi. Anyway, I better go inside. Kung gusto mo pang pumasok ay welcome ka naman since you are one of the favored employees of the company. Pero walang sisihan. Wag mong sabihin na di kita binalaan.", nakangisi niyang sabi at tumuloy na siya sa loob.

Dala na rin siguro ng pagkamasokista at ng curiosity ay ipinasya kong tumuloy pa rin sa loob. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ba ako magrereact kung sakali man na totoo ang sinabi ni Errol na engaged na si Ernest. Magagalit ba ako, magtatampo o magpapanggap na wala lang sa akin. Naglakad ako sa loob at nakita ko sa isang sulok si Ernest at hawak nito ang kamay ng babaeng kasama niya kanina. Mababanaag ang pagiging malapit at malambing nila sa isa't isa.

Tinungo ko ang pwesto nila at nakangiting nagpaalam kay Ernest.

"Tol, mauna na ako. Saan ba ang libing? Susunod na lang ako mamaya."

"Sige. Hatid na lang kita sa kotse mo.", alanganin ang ngiti niya habang kinakausap ako. "Babe, saglit lang a.", sambit niya sa kanyang kasintahan.

Nang makalayo na kami sa kanyang girlfriend ay agad siyang nagsalita. "Sorry. Hindi ko alam na darating pala siya."

Mahina ang mga salita niya. Bakas ang hiya at lungkot sa mukha niya pero hindi na ako magpapatangay pa sa kung anumang lumabas sa sinungaling niyang bibig.

"Hindi mo alam na darating siya? Ok lang iyon. Ako nga na mayroong siya.", kaswal kong sabi habang patuloy sa paglalakad.

"I am really sorry. 'Yung nangyari kagabi...",

"Yung nangyari kagabi? Don't worry. Nothing happened last night.", pagpapatuloy kong maglakad. Nang marating ko ang kotse ay agad kong binuksan ang pinto at nang akmang papasok na ako ay bigla akong hinawakan ni Ernest para pigilan. Agad ko ring tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.

"It was nice playing with you Ernest. See you tomorrow at the office.", sambit ko sa kanya at tuluyan na akong sumakay ng kotse. Inistart ko ang makina ng kotse at nagsimula na akong magmaneho pauwi.

Nakita kong tinanaw pa ako ni Ernest habang nasa kotse pero wala sa itsura niya ang nais akong pigilan. Siguro nga ay isa lamang akong pampalipas-oras o pampaalis-libog o sadyang tanga lang ako na maniwala na posibleng mahalin talaga niya ako. Siguro nga ay siya ang Ernest Rui Yap na maangas, mayabang, immature at mapaglarong taong una kong inakalang siya.

Nakatuon na lang ako sa kalsada habang minamaniobra ang sasakyan. Ayoko ng drama kaya ipinasya ko na lang na tumungo sa Cesium. Sigurado naman akong kahit umaga ay may mga tao akong madaratnan doon para makausap.

Nang makarating ako sa Cesium ay napansin ko ang isang pamilyar na sasakyan na nakaparada rito. Hindi ko na lang pinansin dahil alam kong hindi naman siya pumupunta sa lugar na ganito. Pumasok na rin ako sa loob ng Cesium matapos kong matapos ang pagparada.

Nang makapasok ako ay naririnig ko pa ang medyo malakas na tugtog sa loob. May mga ingay din akong naririnig na dulot ng mga tawanan.

"Naku! Matagal ka na ngang hinahanap noon e.", rinig ko ang boses ni Mamu Felipe. "Mula noong niligtas mo siya ay hindi na siya napakali para lang makita ka."

Sa sinabing iyon ni Mamu Felipe ay tila may kaba sa akin na ako ang pinag-uusapan nila.

"Hindi naman po ako sigurado kung matutuwa ba si Bradley kung malalaman niyang ako ang nagligtas sa kanya.", sambit ng isang pamilyar na tinig.

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Ayokong maniwala, sa totoo lang kaya lumapit ako sa pinanggagalingan ng tinig. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Ayokong paniwalaan na ang taong hinahanap ko dahil niligtas ako ay ang parehong taong dahilan kung bakit ako nalugmok.

"Ikaw? Ikaw ang nagligtas sa akin noong gabing iyon?", naluluha kong sambit habang papalapit sa kanya.

Pansin kong nagulat siya nang malamang nasa gawing likuran nila ako. Tumayo siya at tumingin sa akin. Isang nahihiyang ngiti at pagtango ang binigay niya sa akin bilang tugon sa tanong ko kanina.

"Thank you for saving my life.", sambit ko sa kanya.

"Don't mention tha..."

"But don't get me wrong. I still fucking hate you for ruining my life.", hindi ko maitago ang sama ko ng loob sa kanya kaya tinalikuran ko na lang siya at tumalikod na.

"Brad... I am sorry.", narinig kong sambit niya pero ayoko ng marinig ang kung ano pa ang sasabihin niya.

"Aanhin ko 'yung sorry mo? Mababalik ba noon lahat ng sakit? Maibabalik ba noon lahat ng pagkakataon na nagpakatanga ako sa'yo?", nakatiim ang akong ngipin at kuyom ang aking kamao dahil dama ko ang paninikip ng dibdib ko.

"Noong gabi na niligtas kita dito, gustong gusto ko ng bumalik sa iyo. Gustong-gusto ko ng sabihin sa iyo na mahal kita pero naduwag ako. Natakot ako na baka hindi na ako karapat-dapat para sa iyo."

"And what made you think na karapat-dapat ka sa akin ngayon?"

"Kasi mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita.", malapit siya sa akin at ang kamay niya ay nakahawak na sa braso ko.

"Bakit ngayon lang? Bakit ngayon mo lang sinabi iyan?", hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. Hindi ko sigurado kung mahal ko pa si Derek pero sigurado akong nasasaktan ako at nagagalit ako sa mga sinasabi niya ngayon.

Hindi siya kumibo bagkus ay yumuko lamang at pumatak na ang luha niya.

"Hindi mo ba alam na ilang taon kong pinangarap na kumatok ka sa pinto ko at sabihing mahal mo pa rin ako. Hinintay kita ng matagal pero hindi ka bumalik. Bakit ngayon pa?", hindi ko alam kung nakikipaglaro ba ang tadhana. Pero kung laro man ito, ayoko na. Time first muna.

"Nandito na ako. Bumalik ako para sa iyo. Please let me into your life again.", sambit niya sa pagitan ng pagpatak ng luha niya at hikbi. Hawak niya ang kamay ko pero sa puntong ito, masasabi kong hindi niya na kayang angkinin ang puso ko.

Umiling ako sa sinabi niya at tumalikod na.

"Masyado akong nasaktan noong iniwan mo ako kaya hindi ko na alam kung kaya ko pa bang ipagkatiwala pa sa iyo ang puso ko."

Naglakad akong palayo pero nagtatanong pa rin ako sa sarili ko kung tama lang ba ang hindi ko na bigyan ng isa pang pagkakataon ang mayroon sa aming dalawa.

Surely we had a bad ending then... but it's certainly wasn't a bad relationship. But is it enough to let myself get burned in the flames of his love?

***itutuloy***

Kwento ni B (SPG boyxboy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora