Veintitres.

3.6K 85 13
                                    

Veintetres.

Hawak niya ang kamay ko at naglalakad kami sa kalsadang puno ng tao ang daraanan. Hindi ko alam kung nasaan kami pero alam kong ito ang lugar na nais ng puso ko na puntahan.

Sa patuloy naming paglalakad ay isang laksa ng tao ang nakasalubong namin at unti-unting nawala ang paghawak niya sa aking kamay.

Tinatawag ko siya sa kanyang pangalan pero parang di niya ako naririnig.

"Derek!", ang pagsigaw ko pero hindi niya ako pinapansin.

Patuloy lang siya sa paglakad habang ako naman ay tinatangay ng mga taong naglalakad.

Bago pa sya tuluyang mawala sa aking paningin ay nilingon niya ako sa huling pagkakataon pero hindi siya ang inaasahan kong tao.

"Ernest?", bulong ko sa sarili na may halong pagkagulat.

At tuluyan na siyang naglaho sa aking paningin.

"Huy Gising! Kanina ka pa sumisigaw d'yan.", pag-alog sa akin ng taong dumukot sa akin.

Mabigat ang ulo ko ng magmulat ako ng mata. Nakakaramdam din ako ng kaunting pagkahilo na marahil ay epekto ng kung ano man ang ipinaamoy sa akin para makatulog ako.

"Coffee?", pag-alok sa akin ng katabi ko. Ngayon ko lang namalayan na nasa loob pala ako ng sasakyan.

"Ikaw? Ano na naman bang pakulo ito?", pagtanong ko sa kanya.

"Gusto kitang makausap. Yung tayong dalawa lang. Yung walang ex na magyayaya sa iyo na makipagkape.", nakasimangot niyang sabi.

"Gago mo talaga, Ernest. Ihinto mo ang kotse at bababa na ako.", utos ko sa kanya. Gusto ko rin naman sana siyang makausap pero hindi naman sa ganitong pilitan.

"Nasa gitna tayo ng expressway.", malamig niyang tugon na mas lalo kong ikinainis. Siya na nga itong nangidnap tapos siya pa ang magbibigay ng cold treatment? Nasaan ang hustisya sa ganoon?

Pinili ko na lang na manahimik nang makita ko na seryoso ang hitsura niya. Madalas siyang nakangiti at nagyayabang kaya naman nakakabalisa na makita siyang malalim ang iniisip.

"Kung pwede lang kitang pakasalan sa mismong oras na ito para lang kamatayan na lang ang magpahiwalay sa atin ay ginawa ko na.", bigla niyang sambit. Hindi ko alam kung saan nagmula ang mga katagang iyon pero dama kong galing iyon sa puso niya.

"Ano?", tanong ko sa kanya. Gusto kong malinawan sa mga bagay na sinabi niya.

"Alam ko na nagtatampo ka pa rin sa akin mula nung nalaman mo na ikakasal ako kaya naman gusto kong isiksik sa puso at isip mo na mahal kita. Ikaw lang at kung pwede kitang pakasalan sa oras na ito mismo ay gagawin ko.", at hinawakan niya ang kamay ko. Heto na naman ang kaba na bumalot sa puso ko. Hindi ko na naman mawari kung ano ba itong gagawin ko.

"Wag mo ng isipin iyon. Iuwi mo na lang ako.", sambit ko sa kanya.

"Bukas na tayo uuwi para kung piliin mo man ang iwan ako ng tuluyan ay may alaala pa akong maiiwan na naging masaya akong kasama ka.", tugon niya sa utos ko. Bihira siya maging ganito kasigurado sa sinasabi niya kaya kakaiba ang pakiramdam na marinig siyang ganyan.

Hindi na ako kumibo sa sinabi niya bilang tanda ng aking pagpayag. Sumandal na lang ako sa aking upuan. Siya naman ay diretso ang tingin niya sa kalsadang binabagtas namin habang hawak niya ang isa kong kamay.

Nagbukas siya ng radyo at napakalaking tukso ng kantang tumugtog.

Pangarap ko'y

Makita kang

Kwento ni B (SPG boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon