Trenta y Uno

2.7K 64 5
                                    

Trenta y Uno

“Bakit ako nakatali?”, sambit ko nang mamulat ang mata ko at natagpuan ang sariling nakatali sa kama. Ang siraulo namang may kagagawan ay humihigop ng kape sa di kalayuang mesa.

“What do you want with me?”, pasigaw kong sambit pero tahimik pa rin si Kier na nakaupo malapit sa mesa.

“Fuck! I said what the hell do you want from me?!?!”, sigaw ko na kung hindi siya manhid ay mararamdaman niya ang frustration at inis mula sa akin.

“Ikaw. Ikaw ang gusto ko.”, mahinang usal niya. “At bakit ba napakahirap na makuha ka?”, unti-unti siyang naglakad palapit sa akin. Umupo siya sa kama kung nasaan ako at sinimulan akong halikan sa gawing tenga ko habang patuloy ang pag-iwas ko sa aking ulo.

“Bakit ka umiiwas? Hindi ba ako masarap humalik? ‘Tang-ina! Gusto mo yan di ba?”, may gigil at lungkot ang tinig niya.

“You were asking what I fucking want from you but you can’t fucking answer why you can’t be in love with me.”, at tumulo na ang luha mula sa kanyang mga mata. “Bakit ka ganyan?”

“I’m sorry.”, wala naman kasi akong ibang masasabi kung hindi ang humingi ng tawad. “Sorry kasi dinamay pa kita sa kalungkutan ko sa buhay noon. If you want to hurt me, handa akong tanggapin.”

“Hurt you?”, may bakas ng pagtataka sa mukha niya.

“Yes. Kaya mo nga ako kinidnap at tinali ‘di ba? Kasi you want to get your revenge on me?”, naguguluhan kong tugon sa kanya.

“Sira. Magagawa ba kitang saktan? Tingin mo?”, at inilapit niya ang mukha niya sa akin at unti-unti kong nararamdaman na lumuluwag na ang tali sa aking kamay. “Kahit gustuhin kong saktan ka e hindi ko naman kayang gawin e.”

Niyakap ko siya nang mahigpit nang matanggal na ang lahat ng tali sa kamay at paa ko. Siguro nga dito ko napatunayan na sa pagkakataong nasasaktan ako ay naging manhid na rin ako na pakinggan ang damdamin ng mga tao sa paligid ko. Dahil nasasaktan ako, akala ko ay okay lang na makapanakit din ako ng ibang tao.

Ginawaran ako ni Kier ng isang mabilis na halik sa labi at ngumiti ito.

“You’re too trusting and that will kill you.”

“What do you mean?”, nagtataka kong tanong tapos ay bigla niya akong sinaksak gamit ang isang syringe na hindi ko alam kung anong laman.

“Hindi totoo na hindi kita kayang saktan dahil ang totoo, mas mabuti ng mawala ka kung hindi ka lang din naman sa akin mapupunta. Hahaha!!!!”, malademonyo niyang tawag.

Unti-unti kong naramdaman na parang namamanhid ang kalamnan ko at bigla akong bumagsak sa sahig. Gusto kong sumigaw ng tulong pero parang maging ang aking dila ay nangangapal sa pamamanhid. Naglakad na palayo si Kier mula sa akin at tila may kinuhang isang container.

Ilang saglit pa ay nakaamoy ako ng gasolina at unti-unting ang amoy ay napalitan ng init. Nasusunog na ang lugar kung saan ako ngayon ay nakahiga lang.

Kwento ni B (SPG boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon