Trece

5.3K 123 4
                                    

Trece.

"Wala naman akong kilalang kaaway ni Papa para gumawa noon.", nagtatakang sabi sa akin ni Ernest habang nakasandal sa balikat ko. Hinimas ko naman ang kamay niya na parang sinasabing magiging maayos ang lahat.

Nasa loob kami ng kwarto sa may funeraria at nakahiga kami sa may kama. Pansin ko kay Ernest ang hapo na dulot ng kawalan ng tulog mula pa kahapon. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ang kanyang noo. Batid ko ang lungkot na dama niya pero umaasa ako na sa munting aksyon ko ay mababawasan ang bigat ng kung anumang dalahin ang mayroon siya.

"Akala ko may lakad ka?", malambing na tanong sa akin ni Ernest. Hawak niya ngayon ang kamay ko at tila sinasabing ang bawat espasyo ng mga kamay namin ay ginawa para punan ng kamay ng bawat isa.

"Hindi naman ganoon kaimportante ang pupuntahan ko ngayon. Pwede namang ipagpapabukas.", tugon ko sa kanya.

"Thank you sa pagdamay sa akin a.", sambit niya sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit. Alam ko ang pakiramdam ng pangangailangan.

Ilang saglit pa kami sa ganoong posisyon ay naramdaman kong bumigat na ang pagkakasandal niya sa akin. Nakatulog na pala siya habang yakap ko. Hindi ko alam kung gaano na ba katagal ang huling pagkakataon na nakatulog at napayapa ang isang tao sa pagkakakakulong sa bisig ko. Napangiti na lang ako at gaya niya ay ipinasya ko na lang na matulog.

Mahimbing ang naging tulog ko at matutuloy pa sana ito kung hindi lang nagring ang telepono ko.

"Hello?", pagbati ko sa tao sa kabilang linya.

"Kukuhanin mo pa ba ang mga documents?", tanong sa akin ng taong nasa kabilang linya. Chineck ko ang oras at alas diyes na ng gabi. Sinabi kong dadaanan ko na ngayon ang mga dokumento. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inayos ang sarili ko.

"Aalis ka?", tanong sa akin ni Ernest na halata pa ang antok.

"Oo. Saglit lang naman ako. May kukuhanin lang akong mga papeles para sa marketing campaign tapos babalik na ako dito kaagad.",pagpapaalam ko kay Ernest at umalis na ako para puntahan ang taong kausap ko kanina sa telepono.

Bumiyahe na ako at nagsimulang imaneho ang kotse ko. Iniisip ko pa rin kung paano masisigurado na hindi masasaktan si Ernest sa kung anuman ang maaaring mangyari kapag nalaman niya ang totoo. Kung may isang bagay ako na ayaw mangyari, iyon ay ang masaktan siya.

Mabilis ang naging biyahe ko at narating ko na agad ang bahay ng kaibigan ko.

"Here it is. Signed. Sealed. Delivered.", nakangising sabi nito sa akin.

"Maaasahan ka talaga kahit kailan, Lyndon.", sambit ko at inilapat ko ang labi ko sa kanyang labi. Bukod sa pagiging fuck buddy ko, si Lyndon ay anak ng isa sa mga shareholders ng kumpanya at binili ko sa mga magulang niya ang 12% shares ng mga ito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon.

"Thanks for this. Pakisabi sa mga parents mo kita kami sa Monday.", nakangiti kong sabi sa kasama ko at nagpaalam na sa kanya. Pero bago pa ako makaalis ay hinawakan niya ang kamay ko at nang lingunin ko siya ay isang ngiti ang ibinigay niya.

"Bakit po?", tanong ko sa kanya.

"I used to know Errol and I am just scared of the things that he might do against you kapag nalaman niya ang mga plano mo.", nag-aalalang sabi ni Lyndon.

"Thank you sa concern. Mag-iingat ako, huwag kang mag-alala.", ngiti ko sa kanya at tuluyan na akong naglakad patungo sa kotse ko.

Habang binabaybay ko ang daan patungo sa funeraria ay nakaramdam ako ng pagkainip kaya binuksan ko ang radyo. Saktong isa ito sa mga paborito kong program sa radio station na ito.

Kwento ni B (SPG boyxboy)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt