Diez

6.2K 135 2
                                    

Diez.

Nagmamaneho siya habang ako ay nakasakay sa tabi niya. Iniwan ko na muna sa Cesium ang kotse ko at ibinilin na lang kay Mamu Felipe na mag-utos na lang ng kung sino para ihatid ang sasakyan ko sa bahay. Pumayag naman ito kaya heto ako, isang pasahero.

"Wag ka na sanang pumunta doon.", sambit niya sa akin. May tono ng pakikiusap sa tinig niya at sa wari ko ay bahid rin ito ng pag-aalala.

"Bakit naman?", kalmado kong tanong habang nakasandal sa upuan at nakatingin sa labas.

"Ayaw ko lang na may makaagaw pa sa iyo.", sambit niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa at kung seryoso ba siya sa ginagawa niya. Ang alam ko lang ngayon ay natutuwa ako sa sayang dulot ng pagtingin na pinapakita niya.

I was standing all alone against the world outside, you were searching for a place to hide

Lost and lonely, now you've given me the will to survive

When we're hungry, love will keep us alive

Patuloy ang pagtugtog ng kanta sa stereo ng kotse. Parang akma sa aming dalawa ang mga titik at letra ng kanta. Pareho kaming ligaw at nawawala, pareho rin naming natagpuan ang isa't isa sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang tanong na lang ngayon ay kung may pag-ibig bang bubuhay sa amin ngayon.

"Nagseselos na ako sa iniisip mong iyan.", nakangisi niyang sabi sa akin na tinugon ko lang ng sama ng tingin.

"Pwede ba kasing ako na lang ang isipin mo para fair?", nakangiti niya na namang sabi. Nakakainis na ang mga linya at ngiti niya dahil baka hindi ko maiwasang mahulog na lang sa kanya.

"Tumigil ka na. Wala ito sa usapan natin.", naiinis kong sambit.

"Alam mo may sapak ka sa utak 'no? Bigla kang nagagalit d'yan.",kalmado niyang tugon na lalong nakakapang-inis sa akin.

"Ernest, di ako komportable na sweet ka sa akin. Kung ginagawa mo iyan bilang kapalit noong tulong na ginawa ko para maging head ka ng Sales and Marketing, huwag na. Ok naman na e. Huwag mo na ring isipin 'yung sex kasi----", biglang naputol ang aking pagsasalita nang hininto niya ang sasakyan at binigyan ako ng halik. Isa itong mapusok ngunit maingat na halik.

"Ang daldal mo naman e. Hindi ba pwedeng gusto na kita kaya gusto kong nandito ka?", nakangiti niyang sabi sa akin.

Nakatulala lang ako habang nagsasalita siya. Hindi ko rin kasi alam kung ano ba ang dapat sabihin. Mata pa lang niya tunaw na ako, paano pa kaya ngayon na sinasabi niyang gusto niya ako?

"Alam ko pogi ako pero dahan-dahan sa pagnganga kasi baka tumulo na ang laway mo.", sambit niya na sinundan niya ng tawa.

Bigla naman akong naconscious at isinara ko ang bibig ko. Dama ko ang init ng aking pisngi kaya sigurado akong namumula ito.

Hindi na ako kumibo at nagpatuloy na siya sa pagmamaneho hanggang sa dumating kami sa bahay ko. Nang makarating kami sa parking space ay agad ko siyang hinalikan.

"Para saan 'yon?", nakakunot ang noo at nakanguso siya habang nagtatanong. Napakapacute kahit kailan.

"Patikim para sa gagawin ko sa iyo mamaya.", nakangisi kong sambit at lumabas na ako ng kotse. Dumiretso ako sa bahay at naabutan ko na madilim na ang bahay. Malamang ay tulog na si yaya.

Sumunod naman agad si Ernest sa akin pero bago pa man siya nakapasok ng bagay ay may inispray ako sa mukha niya. Ito ang dahilan para magsimula siyang mahilo at mawalan ng malay.

Nang mawala ang kanyang malay ay dinala ko siya sa kwarto ko. Hinubad ko ang saplot niya at sinimulan ko siyang itali sa upuan. Ang kanyang mga kamay niya ay nasa likod samantalang ang kanyang mga mata ay nakapiring.

Kwento ni B (SPG boyxboy)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt