Uno

6.3K 96 0
                                    

PAALALA:

Ang kwentong ito ay nagtataglay ng mga tagpo na maaaring hindi katanggap-tanggap sa karamihan tulad ng sex at homosexuality. Kung kabilang kayo sa mga taong iyon e umalis na kayo. Maraming salamat.

Gayundin, ang kwentong ito ay kathang-isip lamang at kung anuman ang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya.

Patnubay ng magulang ay kailangan.

This novel is rated SPG.


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Uno.

"Love. Iyon ang magiging tema ng bago nating campaign.", sambit ko sa bagong team ko. Kalilipat ko lang ng trabaho at nangyari iyon dahil kinuha akong Brand Manager para sa isang fabric softener at detergent powder.

"Sir, love for cleaning brands? I mean, we can just get an endorser and create a storyboard para sa kung gaano kabango o kalinis pero love? I just don't see the connection.", sambit ni Patrice. Siya ang isa sa mga Sr. Brand Associates sa team at base sa mga narinig ko e isa siya sa mga nagnais na kumuha ng posisyon ko pero hindi nakapasa sa evaluation. Kaya heto ako at boss niya.

"Cliché kasi 'yung sinabi mo kaya kahit pwede e ayokong gawin. How are we going to beat the leading brand with a campaign as safe and boring as that?", paghahamon ko kay Patrice.

"Then show us how it's done.", si Patrice na nagtataray habang gumagalaw ang leeg na para bang may stiff neck o cobrang hinihintay yung biktima niya saka tutuklawin. Kung sa bagay, may lahi naman daw itong ahas.

"I will, but only if you're my boss but since it's the other way around, I suggest that you follow my directions and  get things done. Dahil kung hindi e I might kick you out of this team as early as now.", sambit ko kay Patrice na ngayon ay nakayuko. Alam kong nag-iisip lang ng ganti iyang babae na iyan kaya hindi ako maaawa sa kanya.

"Now, kung wala na kayong questions. Go back to your workstations and start conceptualizing. I need your proposals first thing in the morning tomorrow.", utos ko sa team ko na agad rin namang umalis ng office ko maliban na lang kay Patrice.

"Taray mo sa ginawa mo kanina sa akin a.", sambit sa akin ni Patrice. Magkaibigan naman talaga kami nito pero hindi namin pinaaalam sa buong opisina na siya ang nagrefer sa akin para sa posisyon mula ng malaman niyang hindi siya qualified para maging Brand Manager. Hindi na rin kami nag-abalang ipakita sa mga tao na magkaibigan kami dahil parang mas natutuwa silang magbato ng intriga sa pagitan naming dalawa. Pero may mga pagkakataon din talaga na nagbabangayan talaga kami na katulad na lang nung kanina; marami lang kasing bagay ang hindi talaga namin napagkakasunduan.

"Love ang tema ng susunod na campaign, ang tanong lang naman dito ngayon e kung handa ka na bang tumema ng pag-ibig, Mr. Love Jaded?", tanong sa akin ni Patrice. Alam kong isa ito sa dahilan kung bakit ayaw niyang suportahan yung plano ko.

"Oo naman. May alam naman ako sa love kahit papaano and this is purely business so I suppose ok lang naman talaga after all, love is a just a concept.

Oo. Jaded ako pagdating sa pagmamahal na iyan, hindi na 'yan totoo at sigurado akong sa bawat isa sa inyong nasaktan at nahirapan at iginupo ng sakit dulot ng pag-ibig ay naiintindihan ninyo ako.

Ako nga pala si Bradley, isang 28 year old Brand Manager ng isang malaking FMCG company sa bansa, graduate ng Broadcast Communication sa isang private university at kasalukuyang single... by choice.

Hindi naman ako pangit pero hindi rin ako gwapo, nasa 5'8 ang height ko, sakto lang ang kulay ng balat pero may manipis na labi at mapangusap na mata. Ngayon kung tatanungin mo kung bakit mas pinipili kong maging single e isa lang ang isasagot ko sa inyo: love is just a concept, a state of mind... hindi totoo ang magic ng love. Magic ng sex pwede pa pero yung sa love? Pang-pocketbook lang iyon.

Kwento ni B (SPG boyxboy)Where stories live. Discover now