Ocho

7K 140 7
                                    

Ocho.

"It's been some time now.", pagbati niya sa akin. Tila naparalisa ako sa kinatatayuan ko at nanlamig ang kalamnan ko. Hindi ko ineexpect na makikita ko siya ngayon.

"Naaalala mo pa ba ako?", tanong niya sa akin habang nakangisi. Hindi pa rin siya nagbabago, punong-puno pa rin ng hangin ang taong ito.

"Magkakilala kayo?", tanong ni Ernest sa aming dalawa.

"Oo naman.", pigil sa akin ang pagsabog ng emosyon. Hindi ko pwedeng hayaan na makita niyang naaapektuhan pa rin ako kahit na pitong taon na ang lumipas.

"I heard you are the best Brand Manager that we have here. Catch up tayo mamaya a.", pagngiti niya sa akin tapos ay nakipag-usap na siya sa iba pang myembro ng SMD Committee.

He is so impossible. How can he act as if everything is OK between the two of us? How can he act as if he didn't took my boyfriend away from me? How could he?

Nagpaalam akong lumabas muna ng meeting room at pumunta sa may wash room. Pumasok ako sa isang cubicle doon at sinimulan kong ibuhos ang laman ng puso ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak, mali, hindi ko na napigilan ang paghagulgol habang binabalikan ang alaala ng pagtataksil at hindi sa akin pagpili.

Tahimik sa kapihan na ito hindi tulad dati na puno ng mga estudyante sa paligid. Marahil ay nagsawa na sila sa lasa ng kape at asukal o 'di naman kaya ay dahil sa mayroon silang buhay na ako ay wala.

"Hi, I'm Ran. You must be Brad.", nakangiting sambit sa akin ng isang chinitong lalake. Sa presensya niya pa lang ay dama ko na ang panliliit. Mas may itsura siya kaysa akin at ang balat niya ay ubod ng puti. Ang kanyang ngipin ay pantay habang ang kanyang buhok ay maayos ang pagkakasuklay.

Itinuro ko sa kanya ang upuan sa may tabi ko na para bang sinasabi sa kanyang doon na siya umupo. Kinuha niya ang silya at tumingin sa akin bago nagsalita, "Hindi ka na niya mahal kaya pakawalan mo na siya."

"Wala man lang sorry? Pakawalan na lang agad?", naiinis kong sambit kaya medyo napalakas ang boses ko.

"Do not make a scene. You are just showing how low-class you are.", iritable niyang sambit na parang lalong nagpapuyos sa damdamin ko.

"Ikaw ang nang-agaw tapos ako pa ang low-class?", mataas na ang tono ng boses ko. Pansin ko ang pagtingin ng barista at ilang mga tao sa paligid.

"Are you happy na ipahiya ang sarili mo? Pathetic. Anyway, I have no time for this. Sinabihan lang kita para naman hindi ka magmukhang kawawa sakaling iwanan ka niya.", sambit niya tapos ay tumayo na siya.

Gusto ko siyang hablutin at pagsasapakin pero alam kong kahit na anong gawin ko ay talo na ako.

"Hindi na ako nagtataka kung bakit ka niya iniwan.", sambit niya tapos ay naglakad na siya palayo.

Marahil nga tama siya na kaya ako iniwan dahil kaawa-awa akong nilalang na walang alam kung hindi ang magkaroon ng outbursts na tulad nito.

Matapos kong magmukmok sa loob ng coffeeshop ay lumabas ako at nagdesisyong magtingin-tingin sa mall. Kapag pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana ay talagang gagawa ito ng paraan para masaktan ka at madurog ang kaluluwa mo. Nakita ko silang naglalakad nang magkasama at nagtatawanan pa.

Bakit ganon? Ako na nga ang niloko. Ako na nga ang ginago. Pero sila pa ang masaya ngayon.

Napansin kong papunta sila sa direksyon ko at alam kong pansin rin nila na naroon ako sa dadaan nila. Tumuloy lang sila sa paglalakad at pagiging masaya.

Kwento ni B (SPG boyxboy)Where stories live. Discover now