Doce

5.3K 120 13
                                    

Doce.

"Si Derek.", tugon sa akin ni yaya sa akin nang tanungin ko siya kung sino ang naghahanap sa akin. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Derek.

Bumangon ako at nagpungas-pungas bago tuluyang pumunta sa may sala kung saan pinaghintay ni Manang ang di umano'y bisita.

"Mukhang napasarap ang tulog a.", sambit sa akin ng bisita. Si Director Choi Marquez, isang bagong direktor na nakilala ko sa Cesium. Sa puntong ito ay hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa na lamang kay Manang.

"Wait lang Choi. Pagawa lang ako ng merienda kay Manang.", pagpapaalam ko sa bisita ko at tinungo ko naman si Manang na naabutan kong gumagawa ng sandwich.

"Nang, kala ko Derek?", tanong ko kay Manang Raquel habang tinuturo sa kanya ang kinalalagyan ng bisita.

"Derek nga. Derektor. Hindi ba siya derektor?", tugon sa akin ni Manang. Nababaliw na tingin na lamang ang binigay ko kay Manang Raquel at binalikan ko na rin si Choi.

"Bakit ka napabisita?", tanong ko rito.

"Una sa lahat, gusto kong malaman kung kamusta ka na. It's been how long since we last talk to each other. I guess, time pa iyon noong hinahanap mo 'yung mistery guy na nagsave sa iyo sa Cesium noon.", sambit sa akin ni Choi. Naaalala niya pa pala ang panahon na sobrang intense ang paghahanap ko sa savior ko sa Cesium. Si Mamu Felipe lang naman kasi ang nakakita sa mukha niya at maging ito ay hindi naman kilala ang taong nagligtas sa akin noon.

"Ok naman ako. As for my hero, hindi ko naman na siya nahanap. Baka good samaritan lang talaga iyong tao.", tugon ko sa kanya. Nasabi ko man iyon ay hindi pa rin nawawala sa akin na sana makita iyong taong tumulong sa akin para mapasalamatan ko man lang.

"Maybe good samaritan nga lang talaga siya pero hindi mo ba naisip na baka siya pala ang destiny mo?"

"Stop it. Alam mo, wala akong oras sa ganyan. Anyway, don't tell me na catching up lang ang sadya mo. I know that you need something. Spill it.", sambit ko sa kanya.

"Of course. I am here to give you the video of the century.", nakangising sambit nito at binabandera pa ang isang CD.

"Anong laman niyan?", nagtataka kong tanong.

"Wedding ni Errol at ng ex mo sa California.", sagot sa akin ni Choi. Ewan ko ba sa baklang ito kung ano ang balak pero nakakainis lang kaya isang masamang tingin lang ang tugon ko sa kanya.

"Masama agad ang titig? Bakit hindi muna kasi panuorin?", nagmamataray na sambit ng direktor kong kaibigan.

"Bakit naman kasi ibibigay mo sa akin ang video na iyan? Para kang nanggagago e.", naiirita kong tugon.

"The video was taken three years ago. Walang nangyaring kasalan. Kung gusto mong malaman ang detalye ng mga sinasabi ko, pwede mong panuorin ang video sa CD na iyan.", sambit sa akin ni Choi.

"Will it change anything?", tanong ko kay Choi. Sa totoo lang, ayaw ko ng tingnan pa ang laman ng sinasabi niyang video dahil buo na ang desisyon kong gumanti kay Errol at Derek dahil sa panggagago na ginawa nila pareho sa akin.

"It will. Anyway, dumaan lang talaga ako para ibigay iyan saka mangamusta.", sambit sa akin ng aking kaibigan. Nagpasalamat ako kay Choi at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya.

Nang makaalis si Choi ay bumalik ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Naisip ko ang lahat ng mga bagay kung bakit gusto kong makaganti kay Derek at Errol. Siguro nga mababaw na dahilan ng paghihiganti ko pero hindi ko maaalis na sila ang dahilan kung bakit ako nagahasa sa Cesium, kung bakit ako nagpagamit kay Errol at kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko kayang magbigay ng sarili sa iba.

Kwento ni B (SPG boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon