Catorce

4.8K 116 6
                                    

Catorce.

"Ready ka na?", tanong niya sa akin tapos ay kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Aaminin ko na naakit ako sa ginawa niya pero dahil hindi ko naman nakakalimutan na nasa funeraria kami at lamay ng tatay niya ay kailangan muna akong magpigil.

"Ugok ka. Nasa funeraria tayo tapos puro ka kamunduhan.", natatawa kong sabi sabay hampas sa kanya ng unan.

"Nahiya naman ako sa linis mo. Hahaha!", sambit niya sa akin at bigla niya akong dinaganan matapos niyang bugbugin ng unan.

Nagtatawanan lang kami habang patuloy ang harutan. Natigil lamang ito nang biglang magtama ang mga mata namin. Ngumiti siya sa akin at nakaramdam ako ng ilang libong boltaheng gumapang sa buon kong katawan. Hinawakan niya ang mga kamay ko saka niya sinabing... "Thank you."

"For what?"

"For being there. For cheering me up. For everything. Hindi mo lang alam kung anong nadudulot mo sa akin na saya. Kung wala ka, baka hindi ko kayanin na nawala si Papa.", seryoso niyang sabi sa akin. Dahan-dahang lumalapit ang kanyang mga labi patungo sa akin. Pumikit ako at inilapit rin ang mukha ko sa kanya nang...

Tok. Tok. Tok.

Napatigil kaming dalawa sa ginagawa namin. Nagtitigan muna kami na parang awkward ang pakiramdam saka siya tumayo para buksan ang pinto.

"I just want to tell you na libing na ni Papa bukas.", rinig ko na sambit ni Errol kay Ernest.

"Ha? Why wasn't I consulted?", pagtataka ni Ernest.

"Ate Eryn approved of it. Hindi rin naman daw kasi siya makakauwi sa Pilipinas.", sambit ng kuya niya.

"So wala akong say sa desisyon tungkol sa libing ni Papa?", pagpoprotesta ni Ernest.

"Do not be too melodramatic. After all, we have to resume our lives by Monday.", sambit ni Errol at tumalikod na ito.

"Pero this is the last time na makakasama natin si Papa.", pagkontra ni Ernest. Nakasalubong ang kilay nito habang tila nakikipagsukatan ng bigat ng titig kay Errol.

"You know what? If you want to be with Papa, bakit hindi ka na lang din mamatay? That way, dalawa lang kami ni Achi na maghahati sa lahat ng naiwan ni Papa.", nakangising sambit ni Errol.

Hindi talaga ako makapaniwala sa kagaspangan ng ugali nitong isang ito. Hindi ko alam kung paano siya naging anak ni Mr. Yap na mabuti namang tao. Hindi ko lang sigurado sa ate nila pero sigurado rin naman akong mabait si Ernest. Iniisip ko na lang kung pinaglihi lang ba sa sama ng ugali ang isang ito o kampon siya ni Satanas.

"Wala ka na bang nasa isip kung hindi yaman ni Papa? I will not be surprised if you are the one behind his death.", galit na sambit ni Ernest. Tila hindi naman ito nagustuhan ni Errol na inayudahan ng sapak ang kanyang nakababatang kapatid.

Gumanti naman agad si Ernest nang suntok sa kanyang kuya. Sa totoo lang, gusto ko silang pigilan pero nang makita ko na nananalo si Ernest ay parang natutuwa na lang ako na makitang nabubugbog ang siraulong si Errol.

Ilang palitan na ng suntok at tadyak ang nangyayari sa dalawa. Marami na rin ang taong tumungo malapit sa kanila pero wala ni isa man ang gusto magpahinto sa kanila.

"Tíngzhǐ! (Stop!)", biglang sigaw ng isang babae. "Magpapatayan ba kayo? Kung oo, ipapasabay ko na kayo sa libing ni Papa." Pusturyosa at maganda ang babaeng ito. Maputi siya at ang kanyang buhok ay unat na unat. Ang kanyang suot ay isang itim na bestida na tinernuhan niya ng scarf na floral ang design.

"Achi, akala ko darating?", parang kabadong sambit ni Errol.

"I changed my mind. Bawal ba iyon?", mataray na sambit nito. Base sa reaksyon ni Errol ay parang takot siya sa kanilang ate. Hindi ko na rin naman masisisi dahil sa itsura pa lang nito ay parang bubuga siya ng apoy anytime. Pinili naman ni Errol na huwag ng sumagot sa kapatid.

Kwento ni B (SPG boyxboy)Where stories live. Discover now