Veintiseis

3.4K 91 12
                                    


Veintiseis.

Patuloy naming binabagtas ang daan patungong Maynila nang bigla akong tiningnan ni Derek at nagsabing magroadtrip daw kami.

"Roadtrip? Nag-aalala na ako sa kalagayan ni Ernest tapos magyayaya kang magroadtrip?", naiinis kong sambit.

"I know where he is and I will take you to him before the day ends.", firm na tugon sa akin ni Derek. Hindi na ako kumontra sa kanya bagkus ay tinuon ko na lang ang mata ko sa kalsada. Sa pagitan ng mga bundok at kalsada ay mga mata ni Derek ang pumupuno sa mata ko. Hindi ko alam pero mayroong kung ano sa mga mata niya na hindi ko mabitawan ng tingin.

"Matunaw ako niyan.", biro niya sa akin nang minsang mahuli niya akong nakatitig sa kanya. Pinili ko na lang na huwag na lang pansinin ang sinabi niya para hindi na rin humaba ang pakiusapan.

Binalot muli ng katahimikan ang biyahe namin kaya naman pinasya kong magbukas ng stereo para naman may kahit kaunting tunog na marinig.

"Ngunit ngayon marami nang nabago't nangyari ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng dararatda... dati."

Bigla kong nakitang sumilay ang ngiti sa labi niya. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Naalala mo pa?", tanong niya sa akin.

Paano ko ba makakalimutan ang kantang halos tatlong taon kong pinapakinggan? Paano ko ba makakalimutan ang kantang karamay ko sa tuwing naaalala ko siya?

"Hindi ko pwedeng makalimutan ang kantang iyan.", tugon ko sa kanya. "Pero iyong pakiramdam, wala na.", dugtong ko.

Biglang pumait ang mukha niya dahil sa sinabi ko pero nakita kong pinilit niyang itago ang pagkadismaya o inis o kung anuman ang pakiramdam na iyon na banaag sa mga mata niya.

Kring...kring...kring...

Agad kong sinagot ang telepono ko nang tumunog ito.

"Hello Patrice.", sagot ko sa tao sa kabilang linya.

"Nasaan ka na ba?", tanong sa akin ni Patrice na parang sobrang urgent ng kailangang sabihin.

"I honestly don't know but I will be back tomorrow.", sambit niya sa akin.

"Tomorrow pa?", parang may pag-aalalang tanong sa akin ng kaibigan at staff ko.

"Yeah. What seems to be the problem? You sound so tensed.", tanong ko sa kanya.

"Well, Errol went ballistic just this morning and he kept on saying foul words against you like you're a whore and all that. Hindi naman siya pinaniwalaan ng mga tao dito sa office as he is so drunk pero I just don't know kung ano pa ba ang pwedeng gawin nu'ng taong iyon.", si Patrice.

"Just let him be. I will handle him tomorrow. For now, ikaw na lang muna ang bahala sa department natin. Talk to you tomorrow. Bye"

.

.

.

"What happened?", tanong sa akin ni Derek.

"'Yung ex mo raw nagwala kanina.", sagot ko sa kanya.

"Nagwala ka ba?", tapos ngumiti siya. Siraulo talaga kahit kailan.

"I mean Errol."

"I know. I was just teasing. Ano raw ang ginawa ng future brother-in-law mo?", nakangising tanong sa akin. Kapatid nga pala iyon ni Ernest. Badtrip na buhay talaga.

Kwento ni B (SPG boyxboy)Where stories live. Discover now