Trenta

2.9K 71 9
                                    

AUTHOR's NOTE:

Sorry po sa sobrang tagal na pagkawala. Nagkaroon lang ng sobrang kabusyhan sa trabaho pero nagbabalik na po ako at mapapadalas na ulit ang update. Sana po ay may mga nakakaalala pa ng kwentong ito. :)

Papainitin ko lang po muna ulit. Bawi ako next chapter. :)

___________________________________________________________________________

Trenta

"Hindi siya... ikaw ang mahal ko. Ikaw lang ang taong minahal ko..."

Hindi ko inaasahan ang mga salitang narinig na nanggaling sa kanya at mas lalo pa ang halik na iyon. Hanggang ngayon ay nakatulala ako sa posibilidad na totoo nga ang sinabi sa akin ni Ran.

"What are you driving at? Kahit paano ko isipin ay hindi maabsorb ng utak ko na posible ang mga sinasabi mo.", nakakaramdam ako ng paninikip ng dibdib na dulot ng pinaghalong pagkalito at galit.

"I knew it. You won't believe me.", sambit niya sa akin na may pilit na ngiti.

"Cause it doesn't make sense. After everything that I have gone through because of you, you can't love me. You can't be loving me.", sabi ko sa kanya na puno ng pait. Totoo naman kasi na masyado nang maraming bagay ang nangyari nang dahil sa kanya kaya imposibleng mahal niya ako.

Hindi ko namalayan na dahan-dahan na palang tumutulo ang luha ko mula sa aking mga mata.

"Sorry kung nasaktan kita..."

Dahan-dahan na ring umagos mula sa mga mata ni Ran ang luha. Ito na. Kailangan ko ng tumalikod at hayaan na lang na matapos ang lahat dito.

.

.

.

"Bago ka umalis, I have my confessions..."

Huminto ako mula sa paglalakad palayo sa kanya pero hindi ako humarap sa kanya. "Makikinig ako.", sambit ko.

"That night sa Cesium na iniligtas ka ni Derek? Anonymously, ako ang nagsabi sa kanya na pumunta doon dahil ayaw kong ako ang magligtas sa iyo kasi alam kong galit ka sa akin noon pero hindi kita pwedeng pabayaan.", naluluha niyang sambit.

"That time that we had sex? I loved every bit of it. I replayed in my mind those moments na hinahalikan mo ako sa labi dahil pangarap ko iyon. Pangarap kita."

Humarap ako sa kanya at isang ayuda ng suntok ang iginawad ko sa kanya na tumama sa kanyang kaliwang pisngi. Nabuwal siya at napaupo sa sahig habang patuloy ang pag-iyak.

"Ang selfish mo. Ang gago mo! Bakit mo nagawa lahat ng iyon habang sinasabing mahal mo ako?!?", pagsigaw ko sa kanya.

"Tanggap ko naman lahat ng sinabi mo and I will never try to defend myself. Pero ayoko lang na mapunta ka sa taong mahal mo. Masakit kasi na alam kong kaya mong ibigay sa kanila ang lahat. Selfish na kung selfish pero ikaw lang ang taong minahal ko Brad. Ikaw lang."

Hindi ko mahanap ang tamang salita para sa mga bagay na gusto kong sabihin sa taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko alam kung paano bang sa isang iglap ay magtatapat siya ng nararamdaman niya. Hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang paniwalaan matapos lahat ng mga kasinungalingan at pagpapahirap na naranasan ko mula sa kanya.

Tumalikod ako sa kanya at pigil ang aking sarili mula sa pagluha. Ayokong makita niya na halos nababasag ang puso ko dahil nakikita kong malungkot ang isa sa mga taong naging malapit sa akin noon. Aaminin ko, hindi ko man siya minahal ng tulad ng kay Derek at Ernest ay pinahalagahan ko siya ng sobra.

"I am sorry for whatever pain that I have caused you. Tama ka, I have been so selfish all my life. Maybe that's what love does to some people. It breaks sanity. But from now on, I promise not to let you get hurt. Because love should be protective.", at base sa panginginig ng kanyang tinig ay patuloy siya sa pagluha.

Kwento ni B (SPG boyxboy)Where stories live. Discover now