Veintinueve

3.3K 89 34
                                    

AUTHOR's NOTE:

Salamat sa mga taong nakakaalala pa nung kwento. Hahaha! At bilang sukli sa inyong kabutihan, isang nakakabaliw na update para sa inyong lahat!

Enjoy! :)

_________________________________________________________

Veintinueve: Ran Errol

Highschool graduation.

Ito ang panahon kung saan ang mga pangarap ay nabubuo pa lamang. Bawal nega kaya naman lahat kami ay idealistic pa maliban sa akin. Isa akong realist. Naniniwala ako na hindi lahat ng gusto ay nakukuha at may mga bagay na sa simula pa lamang ay kailangan ng alisin at patayin sa buhay natin dahil sa huli ay aalis rin naman sila.

"Hey Morbs!", pagtawag sa akin ng isang kaibigan na ninakaw yata ang lahat ng positivity, si Ran. Si Ran ay isang transferee sa school namin. Middle of the school year na ng pumasok siya sa amin pero pinayagan dahil mayaman at maimpluwensya raw ang pamilya. Wala naman na akong pakialam sa background niya dahil ang totoo ay natutuwa ako sa kanya. Ibang klase ang kabaitan niya sa mga tao at ang ngiti niya, grabe, nakakahawa talaga.

"Bakit ka nandito? Wala ba kayong lakad ng pamilya mo? Grad night natin di ba?", tanong ko sa kanya.

"Wala naman si Papa e. Busy iyon sa business, si achi naman e nasa States. Ikaw, bakit ka nandito?"

"Nasa ibang bansa na ang parents ko and meron na silang sariling buhay with their own families. Si Manang naman sabi ko e magday-off na lang ngayon kaya heto, loner ako dito.", ang medyo madrama kong tugon.

Ngumiti siya sa akin matapos kong magsalita.

"Bakit ka ngumingiti diyan?", tanong ko sa kanya.

" I just find it serendipitous. Baka kaya wala akong kasama kasi kailangan mo ng makakasama ngayong araw para di ka malungkot.", at ngumiti na naman siya. Lalong sumisingkit ang kanyang mata sa tuwing ginagawa niya iyon at ang mga pisngi niya ay tila mga rosas sa kapulahan sa tuwing matamaan ng sinag ng araw ang kanyang balat.

"Coincidence lang lahat iyan.", sambit ko.

"Whatever it is. Ang importante ay magkasama tayo ngayon.", at hinatak niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo palayo.

Ang araw na iyon ang nagsimula ng isang mabuting pagkakaibigan sa pagitan namin ni Ran.

Nakakatuwang isipin na nag-umpisa ang aming kwento sa isang pagtatapos.

Lumipas ang mga araw at linggo at patuloy kaming naging malapit sa isa't isa kahit pa nga magkaibang unibersidad ang pinasukan namin noong magkolehiyo.

Gawa na rin ng kawalan namin ng kasama sa mga kanya-kanya naming bahay ay kami ang madalas na magkasama. Kung minsan ay siya ang makikitulog sa amin at kung minsan ay ako. Sa puntong iyon ay parang nagkaroon ako ng kapatid sa katauhan ni Ran, nagkataon nga lang na ako ang negaman at siya yung positive palagi.

Pero hindi pala palaging ganoon ang set-up dahil isang araw, kumatok siya sa pintuan ng condo na nirerentahan ko malapit sa eskwelahan ko. Mugto ang mata niya at umiiyak.

"Bakit? Ano'ng nangyari?", nag-aalala kong tanong sa kanya.

Hindi siya nagsalita bagkus ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Ganoon din ang ginawa ko. Alam kong mabigat ang dinadala niya dahil di naman siya ang tipo ng tao na humahagulgol nang wala lang.

Kwento ni B (SPG boyxboy)Where stories live. Discover now