Chapter 48

15.8K 346 21
                                    

Den's POV

Ilang weeks na din ako dito sa Sagada. That night, nagpasya akong umalis bago nya ko makita ulet. Sobrang masakit kasi hindi ko alam ang gagawin ko ng mga time na yun.

"ang lalim na naman ng iniisip mo" napatingin ako sa nagsalita sa likuran ko. Ngumiti ako sa kanya.

"sorry, naalala ko na naman" sabi ko dito. Lumapit sya sakin tapos inakbayan ako.

"sobrang mahal mo talaga sya no?" seryosong sabi nito. Siniko ko sya sa tagiliran.

"selos ka naman" nangingiting sabi ko dito. Tumingin sya sakin pero seryoso pa din.

"pagsinabi ko bang oo, maniniwala ka?"

"hindi" sabi ko dito tapos tumalikod na ko. Nandito kami sa pinakamataas na bahagi ng sagada.

"hey, san ka pupunta?" narinig kong tanong nito. Hindi ko naman sya pinansin. Nakarating na ko sa madalas kong tambayan dito. 

May nakita akong pamilyar na pigura, nagkusot pa ko ng mata para lang manigurado na sya yun. 

"Ly?" napatingin ako sa nagsalita. Nasa likod ko kasi ang nagsalita.

"Maddie?" sambit ko sa pangalan ng tumawag kay Alyssa. Nakita ko ang pangiti ni Maddie sakin pero may lungkot na kasama yun.

Napatingin ako sa gawi ni Alyssa. Nakita kong ngumiti sya pero yun ngiti na nasasaktan.

"DEN!" napalingon naman ako sa tumawag sakin. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito ng makita ang mga kasama ko. "Maddie? ate Ly"

"Bea?"

"Bei?"

sabay nilang sambit ng makalapit na si Bea samin. Yup si Bea de Leon tong kasama ko.

Ano bang nangyayari. Nabalot kami ng katahimikan dito.

"anong ginagawa mo dito Maddie?" basag ko sa katahimikan namin. Medyo ang awkward kasi. Nilapitan ako ni Bea habang si Maddie naman ay lumapit kay Alyssa. Hindi nakalagpas sa tingin ko ang paghawak ni Maddie sa jacket ng huli.

"ah,..,eh,.project" nauutal na sagot nito. Hindi ko magawang tumingin sa kanila. Naramdaman ko ang pagakbay sakin ni Bea. Alam na alam talaga nya ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon.

Aly's POV

Nakatingin lang ako sa kamay ni Bea na nasa balikat ni Den. Anong ginagawa nito dito. Nun nagkita kami nun isang araw inaayos nya yun sa kanila ni Maddie a. Napatingin ako sa katabi ko. ALam kong nasasaktan sa nakikita nya.

"what are you doing here Bea?" tanong ko kay Bea. Ang bilis naman makarating nito dito.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon