Chapter 18

28.1K 424 16
                                    

Denden's POV

Tulog na tulog na naman tong katabi. Masyado na syang nasisisyahan sa pagsandal sa balikat ko.

Tumingin ako sa kanya. Ang himbing ng tulog nya. 

bakit mo ba kasi nagawa ang bagay na yun? alam mo naman hate ko ang sinungaling.

"baka matunaw yan besh." napatingin ako sa nagsalita. Si ella habang nakadukwang sa pwesto namin.

Umirap lang ako sa kanya.

"oyy, Shar, gusto mo?" sabay alok kay sharlene ng pagkaen. Gising pala ito.

"oh sure" kumuha naman si Sharlene.

"ako besh, hindi mo aalukin?" tanong ko dito. Medyo nagugutom na din ako.

"hindi na, busog kana sa kakatitig jan sa katabi mo e" tapos tumawa sya. Pati si Sharlene ay napangiti.

"nako besh, kung abot lang kita nabatukan na kita!" inis kong sabi dito.

Dinilaan lang nya ko. Natutulog naman din ang iba pero tong si Shar at Ella kung magkwentuhan kala mo walang natutulog e.

"naaalala mo pa yun nasa bahay tayo nila Aly?"tanong dito ni ella.

"alin dun?" inosenteng tanong ni shar. Nakikinig lang ako sa kanya.

"yun may biglang nagsuntukan tapos tayo aliw na aliw sa pagkaen" tapos tumawa si Ella. Bigla akong natigilan ng maalala ko yon. Nun sinuntok ni AL si Aly. 

"ah oo, nagpapayabangan pa tayo nun kung sino malakas kumaen" natatawang sabi ni Shar.

"tapos nun lumapit tayo sa kanila, wala na, late na kasi tayo." sabi ni ella tapos tumingin sakin. Ngumiti lang ako sa kanya.

"oo tapos nabulunan ka!" singit ni ate gretch. Sabay batok kay ella. 

"aray! epal ka naman e!" hawak na ni besh ang ulo nya tapos umayos ng upo.

"ang ingay nyo e!" sigaw dito ni ate gretch. Nagising si ate fille kaya si ate gretch naman ang nabatukan. "araay! para san yun ninja?"

"ang ingay mo!" inis na sabi dito ni ate fille. Tumawa naman ng malakas si Marge. Kaya nahampas ito ni Jirah.

"aray ha! wag mo ko landiin nagdidrive ako babe." sabi ni Marge dito. Kahit nasa harapan sila rinig na rinig namin yun usapan nila.

"anong nilalandi? magfocus ka jan baka mabunggo tayo!" sabi ni Jirah dito. Napangiti naman ako sa kanila.

Habang nasa byahe kami ay nakarinig kami ng malakas na busina. Nagising tuloy lahat ng natutulog.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon