Chapter 9

25.7K 408 16
                                    

Aly's POV

May one month na lang ako para maparamdam ko kay Dennise na gusto ko sya na higit pa sa pagkakaibigan.

Papunta ako sa taping nila. Nautusan kasi ako ni mama na dalhin yun ibang papeles kay angel na kasalukuyan nasa taping nila dennise. Weekends naman kaya wala kaming training at pasok. Kasama ko si Marge.

Alam na din ni Marge ang plano ko, sya nga unang nakahalata na may gusto ako kay den. Sa  kadaldalan ni Shar nasabi nito kay Marge ang lihim ko.

"malayo pa ba?" tanong nito sakin. Nasa SCTex kasi kami kaya bored na bored sya.

"medyo, matulog ka muna" sabi ko dito. Kanina pa nga to natutulog simula ng umalis kami sa manila.

Sa wakas na karating na din kami sa pinagshootingan nila den. Paglabas ko ng kotse ay nagunat ako. Napagod talaga ang katawan ko sa mahabang byahe.

"sa wakas!" sigaw ni Marge paglabas nito. "wow!"

Napangiti ako sa reaksyon nito. Sa resort kasi namin sa subic shinoshooting yun film. Kita na din ng resorts.

"tara na" aya ko dito. Nagcheck in muna kami bago ko hanapin si Angel. Masakit talaga ang likod ko.

"kaninong resort to aly?" tanong nito sakin.

"malay ko" sagot ko dito. Nilapag ko na ang bag na dala ko.Nagdala na din kami ng damit para sure kahit hindi kami makauwi mamayang gabi.

Humiga ako sa kama. Naramdaman kong lumabas si Marge pero hinayaan ko naman ito. Pumikit muna ako para magpahinga.Nang maramdaman kong okay na ang pakiramdam ko ay bumangon na ko at hinanap si Angel.

"excuse me, nakita nyo ba si angel?" tanong ko sa receptionist ng resort. Ngumiti ito sakin.

"mam, baka po nasa office" sagot nito sakin. Nagthank you naman ako dito.

Nagpunta ako sa office na sinabi nito. Nasa bandang dulo yun ng resorts. Pagpasok ko ay wala ito dun, iniwanan ko na lang yun mga papeles sa table nito.

Naglakad lakad ako sa loob ng resorts. Marami na pala ang nagbago dun, ilang buwan din syang hindi nakapunta dun. Marami pa ding guests ang resorts lalo na ngayon na dun nagshoshooting sila dennise pero may privacy naman ang mga artista dun.

Habang naglalakad ako ay may nadaanan akong bata umiiyak. Nilapitan ko naman agad iyon.

"hey, are you lost?" tanong ko dito. Pinunasan ko naman ang mga luha nito. Tumango ito sakin. Siguro nasa 7 years lang ito. Base sa itsura nito ay foreigner ito. Blue kasi ang mata nya. 

Binuhat ko sya at sinamahan ko syang hanapin ang parents nya. Naikot na ata namin ang buong resorts pero wala pa din. Nagsimula na namang umiyak ang bata.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon