Chapter 40

21.3K 337 17
                                    

Kim's POV

Nagmadali akong nagbihis pagkatanggap ko ng balita. Nagpadaan din si mela sa kanila. 

"shit! shit!" natataranta kong sabi habang pababa ng hagdan.

"anak, emergency?" tanong sakin ni Mama.

"nasa hospital sila baldo" sabi ko dito. Nakita ko ang pagaalala sa mata nito.

"oh God, anong nangyari?" tanong nito.

"i don't know Ma, sinabi lang sakin ni Vic, alis na ko, baka hindi din ako makauwi" sabi ko dito tapos hinalikan ko na sya sa cheeks.

Mabilis akong sumakay sa kotse ko at nilabas yun sa garahe.

Naabutan ko si Mela na nasa labas na ng gate nila. Agad itong sumakay pagkaparada ko sa tapat nila.

"anong sabi?" bungad agad nito sakin. Natataranta din ito. "bakit sila naaksidente?"

"walang sinabi si Vic, sinabi lang yun hospital" sagot ko dito habang nasa daan ang mga mata ko.

"sila Vic?"

"susunduin muna sina tito Mike sa airport." sagot ko dito. "tawagan mo din sina Mika at Marge, dapat malaman din nila"

Tumalima naman ito agad. Nakarating na din kami sa ospital. Mabilis kaming bumaba at hinanap sila baldo.

Ang bigat sa pakiramdam na pumasok ulet ng ospital. 

"kimmy, ayun si Ly" sabi sakin ni Mela. Palingon lingon kasi ako. Sinundan ko ang tinuro nito. Nakita ko si Alyssa na nakaupo sa bench na nasa hallway. Nakayuko ito habang nasa ulo ang mga kamay.

"alyssa!" tawag ko dito. Nang makalapit kami ay dahan dahan itong nagangat ng ulo.

"hindi ko sya nailigtas Kim" naiiyak na sabi nito. Parang tumigil ang lahat ng marinig ko ang sinabi nito.

Ang daming dugo sa kamay at damit nito. Dugo ng ibang tao ito kasi kita ko na wala naman syang sugat. May dugo din ang pisngi nito.

Niyakap sya ni Mela. Ako naupo lang sa tabi nya. Nanghihina ako sa narinig ko. Bakit sila pang dalawa? kakasimula pa lang nila. Bakit sila pa!

"Kimmy!" napatingin ako sa pinanggaling ng boses, sila Mika pala at kasama na nila sina Tito Mike.

"Ly?" tawag ni Bang kay alyssa. Ngumiti lang ng pilit si baldo. Ramdam na ramdam sa kanya ang pagsisisi. Niyakap nito si Alyssa.

"where's my daughter?" lakas loob na tanong ni Tito Mike. Napatingin kaming lahat kay Alyssa na ngayon ay nakatingin sa mga kamay nya na duguan.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon