Chapter 19

27.1K 427 14
                                    

Aly's POV

"good morning baldo!" bati sakin ni Kim. Agad ko syang binatukan. "aray! ang aga aga a!"

"e kasi naman baka may makarinig sayo baka nakakalimutan mo maglalabas ulet ako ng painting" sabi ko dito. Dumating naman si Mela na may dalang kape. Agad kong kinuha ang isa.

"oyy, akin yan e!" sabi sakin ni Kim. Agad kong nilayo sa kanya ang tasa.

"hati na lang kayo ni Mela" sabi ko dito. Humigop na ko sa tasang hawak. "o baka mas gusto mo kami ni mela ang hati?"

Nagsmirk pa ko sa kanya. Agad naman yumakap si Kim kay Mela tapos pangiti ngiti ang huli.

"no way, sakin lang si Melabs ko" sabi ni kimtot.

"arte kasi" sabi ko dito. 

Kami pa lang ang gising sa mga kasama namin. Dahil siguro sa pagod sa byahe, maaga kaming nakatulog kagabi kaya naman hindi na kami nakapaggala.

"ano bang gagawin natin ngayon?" tanong ni Bang. "good morning."

Ngumiti kami dito. Kasunod nito si Ara na nakapikit pa.

"puyat na puyat vic a" asar ko dito.

"pano kasi ang ingay ni Kim kagabi, tagal matulog" nakasimangot na sagot nito sakin. Kinuha nito ang tasa ko.

"oyy, akin yan! patimpla ka kay bang" kinuha ko dito ang kape ko. Pero nakainom na sya.

"labs, gustong gusto nila ang kape mo, try kaya natin magtayo ng coffee shop?" sabi ni Kim kay mela na nakakandong dito. Si vic naman ay humiga dun sa malapit na foldable bed habang nakayakap sa bewang ni bang.

Napapailing na lang ako.

"o, hindi ka na namin iniinggit a, masanay ka na simula ngayon" nakangiting sabi ni kim. Nagthumb up naman si Vic.

"mga baliw" sabi ko sa mga ito. Naglabasan na din ang mga kasama namin. Huling lumabas si Den.

"good morning" nakangiting bati ko dito. Tumango lang ito sakin tapos umupo sa tabi ni Shar. Si mika naman parang hindi mapakali.

"problema nun?" bulong sakin ni Kim. Napatingin ako sa direksyon ni Mika. Nahalata din pala nya. Napansin namin patingin tingin ito sa pwesto nila Den. Nagkatinginan kami ni Kim tapos tumawa.

"alam na this!" sabi ko sa dito. Naghigh five kami. Napapailing na lang si mela samin.

Pagkatapos naming magalmusal ay nangulit sila samin na magsurfing.

"sige lang, may instructor naman dito sa resort para sa surfing" sabi ko sa kanila. Para silang mga bata na nagmamadali magbihis. Agad akong tumawag sa crew na ihanda lahat ng surf board na available. Pinakontak ko na din yun instructor nila.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon