Chapter 26

22K 367 19
                                    

Kim's POV

flashbacks

7 years ago

Pagkatapos ng training namin ay agad akong humiga kasi sa sobrang pagod at puyat din. Ang daming nangyari kagabi, halos hindi din ako nakatulog kakaisip sa nangyari kagabi tapos tong si Baldo ayaw pa kami pagbuksan ng pinto.

"pagod na pagod a" puna sakin ni Cienne, hindi pa din kasi ako nagpapalit ng damit.

"yeah" sagot ko lang dito tapos pumikit ako, pero hindi pa ko nakakapagpahinga ng makarinig ako ng pagbulabog sa baba.

"kimmy si marge nasa baba" sabi ni kambal sakin. Agad naman akong bumaba, nasa baba din ang mga tsismoso kong kateammate.

"may problema ba?" tanong ko dito. Tumayo agad ito ito pagkakita sakin.

"hindi ka pa ba kinontact ni Alyssa?" tanong nito sakin, nasa mata nito ang pagaalala. Napakunot naman ang noo ko.

"hindi e, bakit?"

"e kasi,pagkatapos ng training namin umalis agad sya, tapos pagdating namin sa dorm wala na lahat ng gamit nya" sabi nito sakin. Mangiyak ngiyak na ito.

"tinanong nyo ba sa bahay nila?" tanong ni Mika. Si ara lang ang wala ngayon, nagpasama kasi si Bang sa isang event.

"oo, pero wala daw dun" sagot ni marge. 

"bihis lang ako, hanapin natin" sabi ko dito. Mabilis akong nagbihis. Dinala ko din ang wallet at cellphone ko, kinuha ko na din ang susi ng kotse ni ara. "tara"

"sama ako kimmy" sabi ni Mika. Tumango lang ako dito. Nagpaalam nama kami kay ate aby at pumayag ito. Kapag hindi daw kami makakauwi magtext daw kami agad.

Habang nasa byahe kami ay pinakontact ko sina Ara at bang, si mela naman ay dadaanan namin sa UST.

"bakit hindi mo sinundan agad?" tanong ko kay Marge.

"sabi nya kasi sa dorm na lang daw sya magshoshower, malay ko ba" sabi nito. Napahampas naman ako sa manibela. Dinaanan namin si mela. Nakapantulog na nga to.

"matutulog kana ba babe?" tanong ko dito.

"oo,sana, kaso nangyari nga to, hindi na ko nakapagpalit" sagot nito pagkahalik sakin. "san natin sya hahanapin?"

"hindi ko nga din alam e, alam na kaya nila tita to?" sabi ko sa kanila. Wala naman sumagot.

"sabi ni Daks, dun muna daw tayo sa condo ni Aly sa taguig" sabi ni Mika mula sa likod. Tumango naman ako.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon