Chapter 28

23.4K 389 18
                                    

Denden's POV

Nagising ako dahil sa tapik. Sa sobrang pagod ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe.

"den, we're here, wake up" sabi sakin ng boses. Nagmulat ako ng mata. Unang tumambad sakin ang kamay naming makahawak. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "tayo na Den, naghihintay na si Tito Mike."

Pagkasabi nya ng pangalan ng papa ko ay bumalik sakin lahat kung bakit kami nandito. Hinila nya ko patayo at inalalayan pababa ng plane. Hawak pa din nya ang kamay ko hanggan makasakay kami sa sasakyan na nandun. Binanggit nito ang hospital kung nasaan ang papa ko.

Bago kami bumaba ay kinausap muna nya ko.

"Den, kung ano man yun makikita mo mamaya, please, be strong" sabi nito. Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi nya. Ganun ba kalala.

Tumango ako bilang sagot,

"i'll always here, remember that, okay?" dagdag pa nya. Hinalikan nya ko sa noo bago inalalayang bumaba. Pinagsuot din nya ko ng cap at shades, parehas kami actually.

May nakaabang samin na staff ng hospital tapos inassist kami papunta sa fourth floor. Nandun pala si Papa. Walang ganun tao sa floor na yun, sa narinig ko kanina para daw sa VIP yun.

May naabutan kaming babae sa hallway at may kasama itong dalaga at batang lalaki. Binitawan ni Aly ang kamay ko at patakbong pumunta dun sa babae.

Nakita ko kung pano umiyak yun babae ng makita si Alyssa. Niyakap naman ito ng mahigpit ni Alyssa. Parang may sinabi si Aly dito at tumingin sa pwesto ko. Naiwan kasi ako dun sa lugar kung saan binitawan nya ang kamay ko. Lumapit ulet si Ly sakin at hinila ako papunta dun sa pwesto ng babae.

Nakatingin lang sakin ang babae. Nakahiga sa lap nito ang batang lalaki.

"Mikolai, dun muna tayo sa kabilang room, para makahiga si Michael" sabi ni Ly dun sa dalaga. Kinuha ni Ly ang batang lalaki at dinala sa isang kwarto kasama yun dalaga.

Naiwan kami nun babae.

"tingin mo sya Dennise, alam kong namiss mo sya" sabi nito sakin. Humihikbi na ito. Hindi ako makagalaw. Gusto kong silipin ito pero parang tumakas ang lahat ng enerhiya ko sa katawan.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, sa halos 1 week ko sa ilocos noon, puro trabaho lang ang ginagawa ko, kahit nakikita ko sya hindi ko sya pinapansin, madalas makita ko syang nakikipagkwentuhan kay Aly kaya nadamay din ito sa galit ko sa tatay ko. Pagkatapos ng taping namin ay umalis na din si Ly, pero naiwan kami. May binigay sakin sila Kim bago sila umalis.

flashbacks

Nandito ako sa tabing dagat. Sobrang lakas ng hangin at kasabay nun ay ang paglubog ng araw. Umalis na din si Alyssa kaninang umaga, nalaman ko lang kay Sharlene yun. Hindi man lang ito nagpaalam sakin.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon