Chapter 34

29.5K 370 10
                                    

Aly's POV

Everything's settled na. Nakaplano na din lahat.

"ikaw lang Pango, wag kang maniniwala sa mga mababasa mo o makikita pagkatapos nito,okay?" paalala ni Kim sa kay Mela. Napapailing na lang ako. Sobra naman to makapagbilin.

"o tama na yan"pangiinis ni Vic dito. Tiningnan naman ito ni Kim ng masama.

"kala mo kasi madali tong gagawin namin" reklamo ni Kimmang. Natatawa naman ako. "isa ka pa"

Nagtaas lang ako ng dalawang kamay saka tumawa.

"maraming salamat talaga" sabi ko dito.

"tara simulan na natin to" sabi ni Kim. Nagnod naman ang mga kasama sa plano.

Bale ang gagawin namin plano ay ang CT Inc. ang gagamiting company para makipagdeal sa CE. Napalago na naman nila Kim at Vic yun sa loob ng 10 years nilang pagalalay dun.

Pumasok na sila sa restaurant kung saan gaganapin yun meet up. Nandito naman kami sa mobile ng NBI kasama si Kuya Jun at ang iba.

"okay, gawin nyo lang yun napagplanuhan" utos ni Kuya Jun sa kanila. Sina Kim, Vic at ate carla ang makakaharap ng pinsan ko. Sila kasi ang may alam sa CTI.

Naging maayos naman ang meeting. Kumagat sa plano yun pinsan kong magaling.

"nako, yari talaga kayo sakin kapag wala akong napala dito" sabi ni Kim sakin ng makaalis kami sa lugar.

"don't worry, inaasikaso na namin yun" sabi ko dito. 

Dumiretso ako sa bahay pagkatapos. Naabutan ko sina Papa at Mama na nasa sala.

"i'm home" sabi ko at humalik sa kanila. "may problema ba Pa?"

"yun kuya mo kasi" sabi ng mama ko. Napakunot naman ang noo ko. Alam ko matatapos na ang world tour nila kuya. Ito na din ang last world tour nila. Nagpasya na din sila magdisband at lumagay sa tahimik.

"o anong meron kay Kuya?" nalilitong tanong ko dito.

"anak, 33 na ang kuya mo next month" nagaalalang sabi ni Mama. Napatango naman ako. 

"o tapos?"  hindi ko pa din magets ang sinasabi nila.

"ang inaalala ng mama mo, baka tumandang binata ang kuya mo" sa pagkakasabi ni Papa nun ay bigla akong natawa.

"Ma, gusto mo na din bang magasawa si Kuya tulad nila kuya Renshin?" natatawang tanong ko dito. "girlfriend nga,wala pa syang ulet naipapakilala sayo"

Napapailing naman si Papa habang nakangiti. Si mama, seryoso masyado.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon