Chapter 3

35.1K 461 26
                                    

Naglalakad ako papunta ng klase ko ng makasalubong ko si Marge. Kasama nito si Sharlene.

"good morning Ly" bati nito sakin. Ngumiti ako sa mga ito tapos bumati na din.

"good morning din, good morning Sharlene" ngumiti sakin ni Sharlene tapos humikab. "antok na antok a"

"madaling araw na kasi na tapos shooting namin" sagot nito sakin. "ano klase mo ngayon?"

Naging close ako ang dalawa na to ng hindi ko namamalayan. Lagi kasi kami yun magkakasama.

"hmm, hindi ko alam e,nakalimutan ko na" sabay tawa ko. Nakalimutan ko talaga kung ano klase ko ngayon.

"ayun lang," tapos tumawa din yun dalawa. "tingnan mo kaya sa sched mo"

Tiningnan ko naman agad.

"Psychology 1 AL309" basa ko sa sched ko.

"tamang tama kaklase kita" sabi ni sharlene. "o pano insan, lunch na lang a"

Tumango naman si marge. Management kasi ang kinuha nito tapos kami ni Sharlene ay parehong psych.

Naguusap kami ni sharlene habang papunta ng room ng hindi ko mapansin ang kasalubong ko. Nagkabunggo tuloy kami. Tumapon ang lahat ng dalang papel ng nakabunggo ko.

"aray!" inda ng babae, Pagmulat ko ng mata ay si Dennise pala ang nakabunggo ko.

"sorry," sabi ko dito. Tinulungan ko syang makatayo tapos nilimot namin ni sharlene yun mga papel na nagkalat.

"sharlene?" narinig kong sabi ni Dennise.Napatingin ako kay sharlene. Nakatitig lang ito kay dennise. "hoy sharlene, wag mo sabihin nakalimutan mo na ko porke mas sikat ka sakin ngayon."

nakatayo na kami at tapos na namin limutin ang mga papel nito.

"no way!? dennise, dito ka pala nagaaral" sabi dito ni Sharlene. Binigay nito sakin ang mga papel na hawak nito tapos niyakap si dennise.

okay? magkakilala sila malamang kasi pareho silang sikat

"kala ko hindi na kita makikita kasi sa kabilang istasyon ka nagtatrabaho" sani dito ni sharlene. nakatingin lang ako sa kanila. medyo madami na ding nakakapansin sa kanila syempre, pareho silang artista. "Ly--"

"no need sha, kilala ko sya" sabi dito ni dennise, ngumiti sakin si dennise kaya ngumiti sya sakin.

"pano kayo nagkakilala e sa pagkakakilala ko dito kay Ly, makakalimutin tong tao" napangiti lang ako sa sinabi ni Sha dahil totoo naman.

"ah kasi, natatandaan mo yun kinukwento ko sayong prince charming ko nun nagsisimula pa lang ako?" tumango naman si Sharlene dito. "kakambal nya at take note ang gwapo nya ngayon, female version nya si Alyssa"

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon