Chapter 17

27.1K 405 19
                                    

Denden's POV

Naalimpungatan ako na walang katabi. Minulat ko ang mata ko para icheck nga.

Nasan kaya yun?

Bumangon ako at napansin ko ang liwanag na nang gagaling sa pinto na nasa kwarto ni Alyssa. Dahan dahan akong bumaba ng kama. Lumapit ako sa may pinto.Pagsilip ko dun ay napansin ko si Alyssa na nakaharap sa pader na kaayon ng pinto.

"Ly.." tawag ko dito.

Lumingon sya sakin. Gulat, lungkot, at takot ang nakita ko sa mga mata nya. Ngumiti din sya pagkatapos.

"Den.." sabi nya lang habang nakatingin sakin. Nasa may pinto pa din ako. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Isang painting lang ang nakita ko at nakatalikod pa ito sakin.

May mga nakita din akong pintura at paintbrush sa isang sulok. May sink din sa kwarto na yun. 

May talent pala sa pagpepaint si Alyssa.

"anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito. Niluwangan ko ang pinto. Akmang papasok ako ng magsalita sya.

"stop!" pagtingin ko sa kanya ay nakapikit sya. "magsisisi ka kapag pumasok ka dito."

Para akong napahiya sa sinabi nya. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot, tatalikod na sana ako para umalis ng magsalita ulet sya.

"bakit ba kasi ikaw pa?" lumingon ulet ako sa kanya. Nalilito na ko sa mga pinagsasabi nya. Nakatingin na naman sya sa pader na para bang may kung ano dun.

"what?" tanong ko dito. Dahan dahan syang lumapit sakin.

"sabi ng mentor ko, sa buhay ng isang artist, may isang tao ka na lagi mong napipinta ng hindi mo namamalayan, iba't ibang sitwasyon, iba't ibang ekspresyon pero iisang tao lang lagi.."

Nasa harap ko na sya, nakatingin lang sya na diretso sa mata ko. Pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko.

" once na makita mo na yun tao na yun, sya ang destiny mo.." dagdag pa nya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako sa loob ng kwarto. Pagdating namin sa gitna ay biglang namatay ang ilaw. Nagulat tuloy ako.

"Ly, brownout ata?" sabi ko dito. Naramdaman kong humugot sya ng malalim na hininga bago ulet nagsalita.

"kaso yun destiny ko, may ibang mahal. You know what, i always dreamed about a girl everynight 7 years ago, everynight yun hanggan sa makilala kita, hindi na sya nagpakita, dun ko na realize na ikaw pala yun.." Biglang bumukas ang ilaw.

Napapikit ako kasi biglang liwanag.

"please den, open your eyes" narinig kong sabi ni Alyssa. Pagbukas ko ng mata ko ay bumugad sakin ang painting sa isang canvass. Iyon nagiisang painting na nasa loob ng kwarto at ako yun.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon