Chapter 44

16.9K 314 35
                                    

Aly's POV

i'm not the same alyssa valdez that eveyone used to know. Hindi na ko yun dating ako. Everything has changed.

"mam,may meeting po kayo kay Mr. Caymo after lunch" paalala sakin ng secretary ko.

"cancel it" 

"pero mam--"

"then you're fired" heartless na sabi ko dito.

Dire-diretso akong naglakad palabas ng opisina ko. May nakasalubong akong mga empleyado. Nagkukwentuhan sila pero nun makita ako ay bigla silang tumahimik at tumabi. Sumakay ako ng elevator pababa ng cafeteria. Bigla kong naisipan na pumunta ng cafeteria. Tutal maglulunch na naman e.

Bukas ang pinto ng elevator sa 40th floor pero hindi sumakay ang mga empleyado na nagaabang dun ng makita nila ako. Hindi naman ako umimik, nakasandal lang ako hanggan magsara ulet yun.

Pagdating ko sa cafeteria ay biglang tumahimik ang lahat. Nakatingin lang sila sakin habang naglalakad ako papunta sa counter para umorder. Maririnig mo ang tunog ng kutsara na tumatama sa plato ng bawat kumakaen. Walang ingay sa loob ng cafeteria na hindi normal sa lugar na yun.

Umorder lang ako ng pagkaen ko. Nangangatal pa sa takot yun nasa cashier habang nakatayo ako dun ang naghihintay ng bill at order ko.

"ma'am, ano po..wa--g na po ka-yo mag-bayad" sabi nito sakin. Napatingin tuloy ako dito. Nakita ko ang paglunok nya na sign na takot talaga sya.

"okay"

kinuha ko na ang order ko at puwesto sa pinakasulok ng cafeteria. Ayoko silang madistract hanggat maaari pero eto na ko ngayon. Hindi na ko yun trainee na kilala nila dati and its all because of the owner of this company. Napatiim bagang ako ng maalala ko ang nangyari ng gabi na yun, ng araw na yun. Halos tatlong linggo na din pala yun. Naalala ko na naman si Den kaya nawalan ako ng ganang kumaen. Hindi pa ko nakakaapat na subo sa pagkaen ko pero iniwan ko na yun. Hindi din makakaen ng ayos ang mga tao dito dahil sa presensya ko. Nagpasya akong lumabas.

"hey, where are you?" sabi ko sa kabilang linya.

"office,kasama si Vic, why?" tanong nito sakin.

"i need someone now" sabi ko dito

"where are you ba? lalabas din kami for lunch" 

Sinabi ko dito kung saan ako pupunta. Pinarada ko ang sasakyan ko sa labas ng restaurant na yun at dumiretso sa kusina. Kilala naman ako ng mga tao dun.

"ate" tawag ko sa babaeng nakatalikod sakin at nagluluto. Nakatingin lang sakin ang mga tauhan nito na nasa kusina.

"baldo" nagulat na sabi nito. Agad nito hinabilin sa tauhan nito ang ginagawa nya at dinala ako sa 2nd floor. Buti na lang at wala pang tao dun. "okay ka lang ba?"

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon