Chapter 15

28K 389 17
                                    

Denden's POV

Nakatingin lang sya sakin. Kasabay ng pagsikat ng araw ang unti unti nyang pangiti sakin.

"you know that we can't,right?" sabi ko dito. Sari saring emosyon ang nararamdam ko ngayon. Masaya kasi hanggang ngayon mahal pa din nya ko at the same time natatakot kasi maaaring masaktan ko na naman sya.

"i know," malungkot na sabi nito. Tumingin ako sa araw ayokong makita ang nasasaktan nyang mukha.

"i'm sorry" sabi ko dito. Lumandas na ang luha sa mata ko. Pinunasan naman nya yun gamit ang kamay nya.

"don't say sorry Den, it's not your fault" sabi nya sakin. Alam kong nasasaktan ko na naman sya. "maybe it's not the right time."

Sasagot sana ako kaso tinawag na ko. Eksena ko na pala ang itetape.

"you need to go" sabi nya sakin. "kahit ayaw kitang pakawalan, kailangan e"

Tumango lang ako dito at tumayo na.

Aly's POV

Ang sakit, for the 2nd time, basted na naman ako ni Den. Nakatingin lang ako sa araw. Lahat ng kinalimutan ko sa U.S unting unti bumabalik. May tumulo na luha sa mata ko pero agad kong pinunasan yon.

"i think nasabi mo na" napatingin ako sa nagsalita. Umupo ito sa tabi ko.

"yeah, sabi mo kasi ako mismo ang gumawa ng right time, kaso wrong timing" sabi ko dito tapos tumitig sa dagat. Nakakarelax talaga dito. "shar, hanggan ngayon ba mahal mo pa din si Mich?"

Hindi ito sumagot kaya tiningnan ko ito.

"yeah, for 7 years, sya pa din" nakangiting sabi nya sakin.

Katulad ko ito ng nararamdaman, nalaman ko lang na umalis din pala si Mich 7 years ago, nun nagkita kami ni Shar sa U.S. Tulad ko umamin din sya kay mich pero si jia ang mahal ni mich. Kahit nasasaktan naitago nya yun at nilabas lahat nun nagkita kami nito. Magkaibigan pa lang kami ni ache nun kaya naging magkaibigan din sila. 

"balita ko bumalik na sya a" 

"lagi naman syang bumabalik, nagkikita kami minsan pero parang wala na lang din sakin" sagot nito. 

"pero sya pa din?" 

"oo naman, hindi mawawala yun kahit makakita ako ng bago" sagot nito. "bakit ba ang aga aga nagdadrama tayo?"

Napatawa naman ako dito. "dahil basted na naman ako?"

"baliw ka talaga" binatukan pa ko nito.

"bumalik ka na nga dun" sabi ko dito tapos tumayo na ko. "alis muna ako, magaasikaso lang ako ng paper works"

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon