Chapter 21

27.8K 394 8
                                    

Aly's POV

Nandito lang ako sa may tabi ng pool habang nakatingin kay Denden. Dumating na din ang production staff nila. Nagiistart na silang magshooting. Nakababad ang paa ko sa may pool ng may tumapik sakin.

"tapang natin kanina a" sabi nito sakin. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya.

"wala e, kailangan na" sabi ko dito. "kimmy, tama naman yun ginagawa ko di ba?"

Napatingin sakin si Kim. Nandun sya ng nagtatalo kami ni Alfonso.

"alam mo pare, 7 years ago, gusto kitang suntukin habang nagkocongrats ka kay AL nun noon naging sila ni Dennise. Pero inintindi kita kasi alam ko na yun ang gusto mo. Pero ngayon yan tanong mo, hindi ko masasagot yan, ikaw lang ang makakasagot nya." sagot nito sakin. 

"bakit ba naging kaibigan kita? wala naman akong makuha sayo" nakangiting sabi ko dito.

"ewan ko nga sayo e, ang talino ko sobra tapos ikaw bobonic pagdating sa love" nabatukan ko tuloy ito. Sabihan ba na bobo.

"kala mo ako lang, ikaw din kaya nun nangliligaw ka kay Mela tapos sobra takbo mo nun hinabol tayo ng shotgun ni tito nun sabihin mong gusto mo si mela sa harap nya"

" o wag mo na ipaalala yun, nasa langit na si tito baka dalawin pa ko nun"

"haha ayos yun pagganun!"

Winisikan ako ni kim ng tubig sa mukha kaya tinulak ko sya. nalaglag tuloy sya sa pool.

"langya ka alyssa!! basa yun phone ko!" sabi nito sakin. Nakatayo na ko kaya hindi nya ko mahihila. 

"ikaw na nanguna dyan"  natatawang sabi ko dito. 

Naramdaman kong may humawak sa likod kaya mabilis akong umikot pero huli na naitulak na ko kaya mabilis kong hinawakan ang braso nun nagtulak sakin kaya parehas kaming nalaglag sa pool.

"Potek!" unang kong nasabi ng pagahon ko ng tubig. Si Vic pala yun nagtulak sakin. "yun phone ko!!"

"bakti mo ko hinila yun cellphone ko baldo!" sabi ni ara sakin sabay lubog at hinanap ata ang phone nya.

Yun phone ko naman ay agad kong nilagay sa may tabi at tinary kong buksan pero ayaw na.

Pare-parehas namin chineck ang phone namin sa isang tabi.

"ayan kasi!" sabi samin ni mela. Kasama nito si bang at yun ALE.

"lakas ng trip nyo no?? hindi naman waterproof ang iphone" sabi ni Mika.

Nagkatinginan kaming tatlo. Nagets naman ata ng dalawa ang ibig kong sabihin.

"nakakabwisit nga e" sabi ko at tumayo sa gilid habang hawak ang phone ko, ganun din ang ginawa ng dalawa at lumapit kina bang at Mela. Nang makalapit si mika ay agad namin itong hinawakan at tumalon kami sa pool. 

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon