Chapter 36

22K 327 10
                                    

Mela's POV

Nandito ako sa office ng company namin. Halos kakadating ko kasi dumaan pa ko sa puntod ni Papa. Birthday nya kasi ngayon.

"hmm, coffee?" may naglapag ng kape sa mesa ko. Alam ko na kung sino yun.

"tnx ate Pam" yun secretary ko pala.

"bakit ngayon ka lang?" para ng kaibigan ang turingan namin dalawa. Halos kasi kami ang magkasama dito. 

"dumalaw pa ko kay Papa, birthday nya kasi" nakangiting sabi ko dito bago ko hinarap ang mga tambak na papeles sa harap ko. "dumating na ba sila Kimmy at Vic?"

"hindi ko pa sila napapansin" sagot nito. "balik na ko sa table ko"

Nang lumabas ito ay napatingin ako sa wrist watch ko. Alas onse na ng tanghali, bakit wala pa yun mga yun.

Hindi ko namalayan ang oras, napaangat lang ang ulo ko ng may kumatok sa pinto ng office ko.

"come in" sabi ko tapos binalik ko agad ang tingin sa mga papel. Wala pa ko sa kalahati.

"lunch time na boss" sabi ng boses. Si jessey yun, dito din ito nagtatrabaho bilang senior architect ng isang department namen. "kaen na tayo"

"wait lang stick" sabi ko dito. Tumingin ako sa kanya sandali tapos hinarap ulet ang mga papel.

"tatapusin mo muna ba yan bago ka kumaen?"

"nope, saglit na lang talaga"

Lumipas ang ilang pang sandali ay tumayo na ko.

"let's go, nagugutom na din ako" sabi ko dito. 

"sa wakas" sabi nito tapos tumayo na mula sa sofa na nasa office ko. 

"busing busy ka dyan sa katext mo a, sino yan?" tanong ko dito.

"wala" nakangiting sabi nito tapos tinago ang phone nya. Napadaan kami sa office ni Kimmy pero wala ito dun. "himala absent si Kimang"

Tumingin ako sa phone ko pero walang text dito.

"hindi ba nagpaalam sayo?" tanong nito.

"hindi e" sagot ko. Dito lang kami sa cafeteria kumaen. Madami din pala itong ginagawa kaya mahalaga ang bawat minuto sa kanya.

Habang kumakaen ay kwento ito ng kwento ng kung ano ano. Matagal din kasi itong nawala kasi tinututukan nito ang bagong project na binigay sa kanya ni Kim. Nun tinanong ko ito kung ano yun ang sabi lang sakin business matter daw pero tapos na ito nun nakaraan araw.

Bumalik ako sa office ko at hinarap ang mga papeles. Hindi naman sya nawala ng matagal pero naipon ng naipon ang trabaho nya. 

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon