Chapter 10

29.8K 456 52
                                    

Aly's POV

"AL?" narinig kong sabi ni Dennise.Napatulala ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita sya sa phone nya. "magsalita ka naman."

Napatingin sya sakin tapos ngumiti pero hindi yun umabot sa mata nya.

ako si AL, dennise, si AL na unang mong nakilala. Una mong hinangaan at ang una mong prince charming.

"nakikinig ka ba alyssa?" tanong sakin ng kausap ko sa phone. Nakatingin lang ako kay den habang nakikipagusap ito sa phone nya.

"o yeah, ang sakit Angel, nasabi ko sa kanya pero mukhang basted ata ako" sabi ko dito.

"it's part of growing up, dumating na sya Aly"

"sa palagay ko nga, masaya sya o, masaya syang makausap ang prince charming nya" 

Hindi na nagsalita ang kausap ko. Alam kong ginagawa nya yun para makiramay.

"aalis na ko, ikaw na bahala dito."

Binaba ko na ang phone ko. Naglakad ako sa direksyon ni dennise. Nakatingin lang sya sakin habang nakalagay sa tenga nya ang phone nya. Pagdaan ko sa harap nya ay hinawakan nya ang braso ko.

"sorry, kailangan ko ng matulog, maaga pa ko bukas" nakangiting sabi ko dito. Pero hindi nya binibitawan ang braso ko.

"hmm, AL, bukas ulet, may gagawin pa kasi kami.. sige, kitakits, good night" tapos binababa na nya ang phone nya. "Ly,"

Tumalikod ako sa kanya.

"no need, gusto ko lang sabihin sayo yun" humarap ako sa kanya. Hinawakan ko ang mukha nya. "friends pa din naman tayo di ba? walang magbabago?"

Nakatingin lang sya sakin. May butil na nang luha akong nakikita sa mata nya.

"don't cry dennise, handa naman ako sa ganito e, hindi ko lang inaasahan na eepal agad si AL" hinalikan ko sya sa noo. "good night, galingan mo a"

Umalis na ko sa harap nito at dumiretso sa kwarto ko. Pagpasok ko ay naabutan ko si Angel dun at Marge.

"Ly, pinapunta ko na yun chopper dito para sunduin kayo" niyakap ako ni Angel. "sorry, hindi ko alam na ngayon ang dating ni AL"

Ngumiti ako sa kanila.

"okay lang ako, don't worry."

"sandali, kala ko ba ikaw si AL??" nalilitong tanong ni Marge.

"yeah, ako si AL, ako yun unang nakilala ni Den. Pero nitong mga huling linggo, ibang AL na yun kausap nya"

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon