Chapter 42

21.4K 322 14
                                    

Aly's POV

Nagising ako dahil sa alarm ng phone ko. Kinapa kapa ko yun sa side table ko, hindi din naman ako makakabangon kasi may nakayakap sakin. Dahil din ata sa ingay nagising din yun katabi ko.

Nang mapatay ko yun ay niyakap ko ulet si Den. Madaling araw na kami nakauwi kanina dahil sa concert. Kami na din ang nagasikaso ng lahat. Nawala din kasi si Kuya at Angel.

"good morning babe" sabi ko dito. Ngumiti ito sakin pero nakapikit pa din. Hinalikan ko sya sa noo. Lalo nyang siniksik ang mukha nya sa leeg ko. Nararamdaman ko tuloy ang hininga nya sa leeg ko.

"babe, i need to get up na, papasok pa ko sa office" bulong ko dito. Pero lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin. 

"10 minutes pa please" sleepy na sabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi nya. Niyakap ko din sya. 

"okay 10 minutes" sagot ko dito tapos pumikit din ako. Hindi ko alam kung naka10 minutes na kami o hindi. "hmm, babe?"

Gumalaw sya. Tumalikod sya sakin kaya binack hug ko sya tapos hinalikan ko ang balikat nya.

"babe? babangon na ko a" paalam ko dito. nangaalisin ko na ang kamay ko ay bigla nya tong hinawakan.

"can we stay like this forever?" narinig kong tanong nya. Nagtaka naman ako sa sinabi nya pero pinagwalang bahala ko na lang.

Niyakap ko sya ng mahigpit tapos kinuha ko ang phone ko. Dinial ko ang no. ni Jovee.

"hello Jovee" sabi ko sa kabilang linya. Umikot si Den paharap sakin. Nakita ko ang sakit sa mga mata nya. Nilagay ko ang  kamay ko sa pisngi nya at hinaplos yun. "yeah, bukas na ko papasok, uhm, pagod ako dahil kagabi saka may gagawin ako. Okay, ikaw na bahala, thanks"

Nang binaba ko yun ay nakita ko ang pagtataka sa mukha nya. Napangiti ako.

"priorities babe" sabi ko dito. Nakita ko ang munting butil ng luha sa mata nya. "why are you crying?"

"nothing" sagot nito tapos pinunasan nya ang luha nya. Hinalikan ko ang mga mata nya at niyakap sya.

"date tayo mamaya" sabi ko dito.

"where?"

"anywhere" sagot ko dito. Ngumiti naman sya bilang sagot.

Nanuod na lang kami ng movie. Tinatamad pa si Den na bumangon e. Nakaunan sya sa dibdib ko habang nakayakap sya sa bewang ko. 

"babe, hindi ka ba nagugutom?" tanong nito sakin. Nagangat ito ng ulo. Napatingin tuloy ako sa lips nya. Nakakaakit naman o

"nagugutom, tara luto tayo" sabi nito sakin. Una syang bumangon kesa sakin. Ngayon ko lang napansin. Nakasando nga lang pala sya saka shorts. 

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon