Chapter 41

24.2K 355 40
                                    

Aly's POV

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Den, halos araw araw kasi ang daming pinapagawa sakin.

"argh! ayoko na!" sigaw ko tapos tumayo ako galing sa swivel chair ko. Naglakad ako palapit sa bintana ng office ko. Kitang kita ang pagiging busy ng buong makati sa baba. Ang dami din sasakyan na nagdadaan dun.

"suko na?' tanong sakin ng boses. Sumimangot ako ng makita ko ito. May dala na naman itong bagong mga folders. 

"ano na naman yan?" tanong ko dito. Nilapag nito sa table ko ang mga folders tapos ngumiti.

"documents" sagot nito. Kinuha nito yun mga natapos ko na. Nasummary ko na yun iba dun pero hindi pa din tapos yun dinala nito kanina.

"again and again?" nagsasawang sabi ko dito.

"yeah" sagot nito. "madami pa yan"

"alam mo bang halos wala na kong oras kay Den dahil sa mga yan" reklamo ko dito. Nagkibit balikat lang ito. "sinasadya ba ni lolo na madami syang ipagawa sakin.?"

"i think so kasi one week na lang ipapakilala ka na nya sa lahat and the same time, ikaw na ang uupo sa taas" sabi nito sakin "kaya mo yan"

"kung tinutulungan mo kaya ako?" reklamo ko ulet dito tapos naupo na sa tumpok na mga documents.

"may ginagawa din ako" umalis na sya sa office ko. 

Nakakainis na to a, kaya ayaw ko ng office works e.

Tinawagan ko si Kim dahil sa sobrang inip ko.

"hey, where are you?" tanong ko dito. 

"in my office, why?" sagot nito. narinig kong may kausap pa itong iba.

"i'm bored, labas tayo, gusto kong magunwind"

"sure, tapusin mo muna yan ginawa mo" tapos tumawa sya.

"ayoko nga" sagot ko dito. " tinatamad na ko "

'yeah, back to the old you" sagot nito. "labas kana, kita nalang tayo kela ate"

Napangiti naman ako sa sinabi nito. Kinuha ko agad ang coat ko at lumabas ng office.

"where are you going?" nakasalubong ko pa si Jovee at may dala itong kape. Para sakin siguro yun.

"tinatamad na ko, bahala ka na dyan" sabi ko dito tapos nagmadaling sumakay ng elevator.

Agad akong sumakay sa kotse ko at umalis na sa vicinity ng CE.

If Only They Know (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon