Chapter 39: The Extra Part 2

27.2K 137 51
                                    

 Chapter 39: Don-Don

“Anong nangyari kanina?” tanong ni Dave kay Chloe na dumalaw kanina sa bahay nina Maggie.

“Her mom’s not there when I came. We had a talk. Actually, we didn’t have a talk, because I was the only one speaking kanina, y’know?! Um, I noticed something… like something unusual. She’s blank, lost, quiet, out of her mind, pensive, etc. Basta ako lang ang daldal nang daldal.”

“Eh, madaldal ka naman talaga,” sabat ko.

Inirapan ako ni Chloe at sinabing, “Duh! Maggie’s loud, too, remember?” Kung sa bagay, maingay rin naman talaga si Maggie, kaya nga lagi niyang nakukuha ang atensyon ko—actually, kahit tahimik siya.

“Iyon lang? Hindi mo ba sinabing naiinis na ako kasi hindi man lang siya gumagawa ng paraan para mag-reply sa akin? Bakit 24/7 ba siyang binabantayan ng mama niya? Hindi naman, ‘di ba? At tinanong mo ba kung nare-receive niya ang mga text ko?”

“Dave, I told her about you.”

“Anong sabi mo? Teka, hinanap niya ba ako?”

Ilang Segundo pa ang lumipas bago siya sumagot kay Dave. “I… I told her that you are upset—very upset actually—because she’s, ano nga, not trying to reply on you or whatever. I tried to ask her if she’s mad or something with you, but she said no. Sabi niya, busy lang daw talaga siya, pero alam mo ‘yun? It seems like there’s something like a problem or what between you and her. She didn’t even asked you if you’re coming to their house or what—or asked anything about you at all. Dave, wait, I don’t mean to dismay you—I’m just being honest.”

“Ah, ‘tol, baka nagpapa-miss lang,” ang komento ni Dan.

“Nagpapa-miss, pwes!” Natigilan siya. “Fuck this bullshit! Oo na nga, oh! Miss na miss ko na siya. Hindi pa ba halata?!”

“Baka naman kasi may nagawa kang mali kaya nagtatampo siya?” tanong ko. Napatingin silang tatlo sa akin.

“Don, mas maganda na nga ‘yung sinabi ni Dan, eh. Panira ka talaga forever,” ani Chloe sa akin, pero hindi ko na siya pinansin.

“Wala naman, eh. Ang natatandaan ko lang, nag-aasaran kami sa mall, and then inapakan niya ako, then tumakbo siya. Hindi ko siya hinabol dahil nga masakit ‘yung paa ko, tapos ang dami ko pang dala. Hinanap ko siya, tapos nalaman ko na lang na umuwi na siya kasi daw—shit!” Napahinto saglit si Dave. “Mukhang tama nga, may dalaw nga siguro siya that time kaya mabilis nag-switch ang mood niya. Alam niyo ‘yun? Masakit daw ang tyan niya. Tapos hindi ko pa siya natawagan agad kasi nga na-deadbat ang phone ko that time. Nang tawagan ko siya, she sounded ano na—bad mood, I guess? Tapos nalaman pa ng mama niya ‘yung tungkol sa suspension, so it aggravated Maggie’s bad temper, kaya ako na closest to her heart, ako ang pinagbubuntungan niya ng galit niya, kasi nga gusto niyang ako ang magpagaan ng loob niya. Tapos—”

“Tapos, tapusin mo na ang speech mo. Tawagan mo na si Maggie or i-text siya, para matapos na ang kalungkutan niya! Hindi na matapos-tapos ‘yang ‘tapos’ mo!” sabi ko kay Dave. Dere-deretso siya. Ang dami niya pang sinasabi, eh, ang point lang naman, dapat niya nang amuin si Maggie.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at sinabing, “Yep, ‘tol! Yep! Thanks!” Humarap siya kay Chloe at Dan, at pareho niya silang pinakitaan ng salute gesture. Bigla siyang sumaya nang maliwanagan. Ang weird niya.

Lumabas siya para subukang tawagan si Maggie. Sinulyap ko siya mula dito sa loob, at mukhang failed ang pagtawag niya. Nagte-text na siya nang muli kong tignan. Pumasok na uli siya pagkatapos mag-text. Base sa ekspresyon niya, parang walang nangyaring maganda.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon