Chapter 16: First Date with Flirt Mate

33.5K 195 30
                                    

Chapter 16:

Maria/Maggie

Nanginginig ang buong katawan ko. My Lordie! Sa TV at movie ko lang ito nakikita. Totoo ba talaga 'to o panaginip na naman? Hindi. Totoo ang lahat. Candle light dinner sa gitna ng isang garden. May tumutugtog pa ng violin. Punong-puno pa ng maraming bulaklak ang paligid, at sa ibabaw pa ng table namin ni Dave ay may arch na pinuno rin ng christmas lights. Shit! Jhon Lloyd Cruz at Sarah Geronimo lang ang peg naming dalawa ngayon.

Ang gwapo-gwapo ngayon ni Dave. Naka-tuxedo siya. Mayaman na mayaman, at ang bango-bango ng looks niya. Habang ako naman--eto, si tatanga-tanga. Malay ko bang dito niya ako dadalhin?! Eh, kasi hindi naman siya nagsabi na isang formal dinner ang magiging date namin. Naka-jeans lang ako at naka-blouse. Masyadong karaniwan ang suot ko--parang pupunta lang ng mall. Ipinasundo niya lang ako sa driver nila, eh, kaya lalong hindi ko rin alam kung ano ang suot niya.

Nangingig pa rin ang mga tuhod ko. Hindi ako makapaglakad papalapit sa table kung saan siya nakaupo. Ayan na, tumayo na siya, lumakad papalapit sa akin dala ang nagniningning niyang ngiti at isang bouquet of red roses! Huhuhu....mamatay na ako!

"Maggie, halika na." Ibinigay niya sa akin ang bouquet at iniabot ang kamay niya na hinawakan ko naman agad. Nanginginig pa rin ako.

"Ah, Dave? Nakakahiya ang suot ko. Ba't 'di mo sinabing dito tayo pupunta?"

"Pasensya na. Gusto ko kasi, surprise. Hehe. Tsaka, OK naman ang suot mo. Sanay na ako sa ganyang look mo."

Huh? Sanay na? Ibig sabihin tino-toleratre niya lang pala ang hitsura ko. Kainis talaga ang kaprangkahan ng lalakeng 'to--pero kahit ganun, mahal na mahal ko siya.

Nang makaupo na kami sa table namin ay tumugtog na ang violinist ng isang makapagdamdaming love song. Oh, my! Alam ko ang kantang iyan! Paborito ko pa! I'm Gonna Love You ni Jennifer Love Hewitt.

"Dave!"

"Ano?"

"Ni-request mo ba ang kantang 'yan?"

"Oo."

"Alam mo bang paborito ko 'yan?"

"Yes,"  aniya sabay ngiti. Ang cute-cute niya talagang ngumiti.

"Huh? Paano mo nalaman?"

"Basta."

Nanginginig talaga ang buong katawan ko. Parang gusto ko nang isang yakap para mahinto ang panginginig ko.

All of a sudden, bigla na lang akong napamulat. Madilim. Malamig--malamig na malamig. Nakatutok sa akin ang electric fan na kung makabuhos sa akin ng hangin ay parang wala ng bukas.

Kinapa-kapa ko ang kumot ko. Hindi ko makuha. Baka nalaglag sa kama ko?! Ewan.

Gusto kong bumangon para patayin ang electric fan at kuhanin ang kumot ko pero na-realize ko--nanaginip na pala ako na nagde-date kami ni Dave. Pucha naman, oh! Panaginip lang pala. Ayokong bumangon. Pumikit uli ako at pinilit ang matulog uli, dahil baka bumalik ang panginip ko.

Hindi ako nagtagumpay. Hindi na bumalik ang panaginip ko. Nanginginig na ako sa lamig, kaya bumangon ako para kunin ang kumot kong nalaglag sa sahig--saka ko pinatay ang electric fan.

Haay! Sayang na panaginip. Natulog na lang uli ako.

***

"ATEEEE!!! BILISAN MO DIYAN SA BANYO!!! JEBS NA JEBS NA AKO!!! PA-CONCERT-CONCERT KA PA DIYAN! FEELING LADY GAGA, PALIBHASA MUKHANG GAGA!" sigaw ni MJ.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon