Chapter 21: The Best Joke In Town

29.8K 141 55
                                    

Chapter 21:

 Maggie

Sinubukan kong magpanggap na parang walang nangyaring hindi maganda ngayong araw. Chill lang! Natatakot kasi akong mahalata ni mama na may hindi magandang nangyari, dahil alam kong magagalit siya nang sobra.

Bago ako matulog ay naalala ko ang mga nangyari kanina. Pinaka tumatak sa utak ko 'yung sinabi ni Lani kanina. Save your tears. The real drama has set to come. Ano nga bang sikreto ni Chloe ang pinanghahawakan niya at bakit pati si Dave dinadamay niya pa? Sabi pa niya, ako daw ang dahilan ng lahat. Bakit? Ang gulo-gulo. Pati trust ko kay Chloe at Dave, sinusubukang sirain ni Lani. Well, baka sinasabi niya lang 'yun, dahil gusto niya lang kaming masira, kasi nga bitter pa rin siya. Haay! Ewan! Pero sabi nila, tatlong tao lang daw ang nagsasabi ng totoo, ang bata, ang lasing at ang galit. Galit si Lani, galit na galit. Nagsasabi nga ba talaga siya ng totoo?

Isa pang hindi ko malimutan ay nang kwestyunin niya pati ang relasyon namin ni Dave. Hmp. Bitch na, bitter pa. ERASE! REBOOT! Itapon na 'yang Lani na 'yan! Hindi ko siya dapat iniisip. Hindi ko siya dapat pinoproblema, dahil kami ni Dave -- masaya kami, tapos!.

Kinabukasan ay nagkita-kita kami sa Cafe Love, naka-uniform kami dala ang mga bag namin at dun nag-aral. Mabuti na lang may kaklase pa rin kaming katulad ni Allan na mabait na nag-provide sa amin ng mga pinag-aarlan namin ngayon. Pinadala niya ito sa akin thru text. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number ko, pero kahit paano pa 'yun, thankful pa rin ako sa tulong niya. Dahil nga ako ang nakatanggap ng message, ako na ang nag-initiate sa grupo namin na mag-aral. Tinatamad sila, kaya nang mapagod ako sa kakadaldal sa kanila ng mga lessons, nag-aral na lang ako mag-isa, habang si Chloe naman ay nagsu-surf sa internet. Ang 3D naman, nagpaalam na maglalaro sila sa computer shop--nagpalit lang sila ng civilian clothes para hindi sila mapagbawalan.

Nang mag-11:00 AM ay napagdesisyunan namin ni Chloe na pumunta ng mall. Nag-text na lang kami kina Dave na sumunod na lang.

Hinihintay namin sila dito sa food court ng mall, at nang mag-text si Dave na nandito na sila ay naisip kong salubungin siya para hindi na siya mahirapang hanapin kami.

Una kong nakasalubong sina Daniel at Don, tinanong ko sila kung nasaan si Dave at itinuro naman nila. Itinuro ko din kung saan ang pwesto namin ni Chloe. Lumapit ako kay Dave. Napansin kong may kausap siyang babae  na nasa early 40's ang edad at lalake na sa tingin ko ay nasa ealry 20's naman ang edad.

"Dave" pabulong kong sinabi.

"Uy, Maggie! Ah, tita, kuya -- si ano po -- si Maggie"

"Hi po!" Nag-wave ako at nag-smile sa kanila. Ngumiti lang sila, at nagbigay ng nagtatakang paningin kay Dave. Malamang na ang ibig sabihin ng tingin nila kay Dave ay kung sino ako, o ano ako ni Dave.

"Ah, ano, girlfriend ko po. Maggie, tita at pinsan ko."

Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa. Takang-taka siguro sila kung nagsasabi ba ng totoo si Dave, at kung oo, takang-taka siguro sila kung bakit ako ang girlfriend ni Dave. Nahiya ako bigla--parang pakiramdam ko, kakainin na ako nang buo ng lupa.

"Joke lang po! hehe" ang pahabol ni Dave.

WOW! WOW! TALAGANG WOW! Hiyang-hiya na nga ako sa tingin ng mga kamag-anak ni Dave sa akin, tapos 'yun pa ang maririnig ko?! GIRLFRIEND NIYA DAW AKO--JOKE LANG! Parang pakiramdam ko, salamin ako na nabasag. Pinilit kong ngumiti. Pinilit kong ngumiti para itago ang sama ng loob ko.

"Ah, tita, kuya, kakain na po kami. Baka ma-late kami mamaya sa klase namin." Nagbeso na si Dave sa tita niya at nag-tap sa balikat ng pinsan niya.

Nang makapagpaalam na si Dave sa kanila ay agad akong tumalikod at naglakad nang mabilis. Hindi ako iiyak. Hello?! JOKE nga, 'di ba?! Joke lang na girlfriend niya ako! JOKE 'yun, kaya dapat tumawa ako! Shit lang! Hindi niya ako kayang ipagmalaki.

Kanina pa pala akong nakaupo at tinatanong ng grupo. Nawala ako sa sarili ko dahil sa kakaisip ng JOKE na iyon ni Dave.

"Maggie, hoy! Nasaan na si Dave?" tanong ni Chloe.

Hindi na ako nakasagot dahil dumating na si Dave.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon