Chapter 14: First 143

32.5K 180 32
                                    

Chapter 14:

Dave

I'm on my way home. Naihatid ko na si Maggie sa bahay nila. Ang awkward lang namin kanina while driving pauwi sa kanila--hindi kami nag-uusap, ngitian lang. Naninibago lang siguro kami sa bago naming status. Ewan? Siguro.

Girlfriend ko na nga talaga siya. Mission accomplished! Pero mission accomplished na nga ba talaga? Plano ko 'to, pero bakit iba ang feeling ko? Bakit parang totoo ang saya ko? Oo, masaya ako kasi natupad na ang plano ko nang ganoon kabilis, pero kasabay ng tuwang nadarama ko ay isa pang mas malaking tuwa dahil nga GF ko na ang sinasabi kong panget.

Hindi ko maintindihan ang tuwa ko, malayo kasi ito sa masama kong intensyon--ang gulo! Ang gulo-gulo ko talagang mag-isip! Pero sa kabila ng gulo ng pag-iisip ko sa mga oras na ito, hindi ko pa rin mabitawan ang malaki kong ngiti--at ang ngiting ito--gustong-gusto ko ito.

Ang tagal ko rin hindi naramdaman ang ganitong feeling. Huli ko itong naramdaman nang maging kami ni September, ang una kong girlfriend. Parang pakiramdam ko, first time ko uling nagka-girlfriend. Siguro dahil kakaiba si Maggie sa kanila. Haay! Ewan! O baka naman kaya ako masaya ay dahil na-miss ko lang ang ganitong feeling--ang feeling na may girlfriend--na may love life.

Wait, Dave! Easy! Stay focus. Ganti mo lang 'to kay Lani, 'di ba?! Pakulo lang ang lahat. Yes, mabait si Maggie, talented, at nakakatuwa--'yun lang. Hindi mo pa rin siya gusto--tama, Dave? Tama!

Jaime

"Kuya, Toblerone q, wag m kklimtan!!!" text ko kay kuya.

6:30PM na, wala pa rin siya. Hindi na nga nagpaalam kung saan pupunta, hindi pa nagre-reply sa text! Bwiset!

"Jaime, mauuna na lang akong umuwi. Ang tagal ng kuya mong dumating. Hindi rin nagre-reply" sabi ni kuya Don.

"Sige kuya, sasabihan ko na lang siya. I-text mo na lang siya kung anong DVD ang kinuha mo, ha!"

"Ok, sige. Alis na ako."

***

"Hoy!" sigaw ko kay kuya nang dumating siya. Sumisipol siya? Huh? So it means masaya siya ngayon? Ganyan kasi siya kapag masaya, kung hindi sumisipol, lahat ng tao sa bahay, kukulitin niya.

Tinaas niya lang ang dalawang kilay niya habang nakangiti bilang response sa akin.

"Toblerone ko?"

"Bukas! Promise!" at umakyat na siya papuntang kwarto! Ang weird ni kuya! Good vibes siya, obvious naman, pero bakit kaya? Sinundan ko siya sa kwarto para mang-usisa. Wala akong marinig. Ni-try kong buksan nang dahan-dahan ang door knob para sumilip--boom! Hindi nag-lock ang gago! Haha. Holy cow! Kuya is dancing again? And it's not a serious dance! Yuck! So gay! Hahaha.

"Hey, what's up?!" panggulat ko sa kanya, and there--he was shocked! hahaha.

"WHAT?! Hindi ka ba marunong kumatok?" pagalit niyang reaksyon. Halatang gulat na gulat siya and pissed off. Hahaha

"Eh, ikaw? Hindi ka ba marunong mag-lock ng pinto?" I just smirk and leave.

Dave

Shit! Nakakahiya! Bwiset talaga 'yang Jaime na 'yan. Napaka-consistent niya sa pang-aasar sa akin sa tuwing good mood ako. Eh, kasi naman, ganun rin ako sa kanya.

Humiga na lang ako, then I took my mobile. Takte. Dami ko na palang message, naka-silent mode kaya hindi ko narinig. Una kong binasa ang text ni Maggie.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon