Chapter 26: Wake Me Up When September Comes

28K 110 5
                                    

Chapter 26:

Dave

Pagkatapos naming maglaro ay nag-mall kaming tatlo. Bumili kami ng mga bagong bling-bling at bumili rin ako ng bagong chuck at cap.

Habang nagsusukat ako ng cap ay tinabig ako ni Daniel sabay bulong ng "Tol, si September."

Natigilan ako bigla sa narinig ko -- hindi ko alam kung paano magre-react.

"Tol!" Hinawakan ako ni Don-Don sa balikat at braso ko at ini-spin pa ako para makita ang nakikita nila. "Si September" ang bulong niya.

Nakita ko ang babaeng napakaganda sa katapat na shop kung nasaan kami. Naka-white dress siya mula ulo hanggang paa, maliban sa vest niya na kulay pink. Mukha siyang anghel. Napakatagal na ng huli kaming nagkita sa personal, kaya nang makita ko siya ngayon ay hindi ko alam kung paano magre-react. Bakit siya narito? Akala ko ba umuwi na siya pabalik ng U.S.?

Nang humarap si September ay agad akong nagtago sa pinaka malapit na stall, saka tumalikod at bumulong ng "Mga 'tol, shit, tumalikod kayo. Baka makita tayo."

Tumalikod nga sila at nagtago din kagaya ko.

"Don, silipin mo. Nandiyan pa ba?" ang pabulong kong sabi.

"Nandiyan pa, 'tol -- ayan, ayan, umalis na 'tol."

"Ano, 'tol? Sundan natin?" ang tanong ni Dan.

"Tara 'tol!" Hindi na ako nagdalawang-isip. Pumayag na ako agad sa alok ni Dan.

Sinundan namin si September sa bawat store na pinapasukan niya, pero maingat kami na animo'y mga professional investigators kami.

Ang ganda ni September. Lalo siyang gumanda. Kulot ang buhok niya sa dulo. Sobra-sobra ang idinagdag ng ganda niya kumpara noon. Hanep. Iba talaga ang nagagawa ng U.S.

"Tol, teka! Tumatawag si Chloe." Sinagot ni Dan si Chloe.

Habang si Maggie naman ay nag-text -- nagtatanong kung nasaan na kami.

"Sabihin mo, Dan, naglalaro pa tayo" pabulong kong sinabi.

"Huh?" Nagtaka muna si Dan bago siya tumango bilang pagsangayon.

Nag-text na lang ako kay Maggie na kay Chloe na lang siya sumabay ng uwi at nag-ok naman siya.

"Tol, ayan na! Lumabas na. Dali!" ani Don-Don kaya agad kaming nagtago uli nang lumabas na si September mula sa tinigilan niyang shop.

May mga babaeng lumapit kay September para magpa-picture.

"Patay ka, Dave! May mga fans si Septemeber sa paligid. Patay ka kapag nakita ka nila. Malamang kilala ka rin nila" ang banta ni Don-Don.

"Whoa! May mas malaking problema, Dave!" ani Dan.

"Ano 'yun, 'tol?"

"Ang daddy ni September -- parating na, oh! Dali. Sibat na tayo!" ang sagot niya sa akin.

Shit. Kung kailan naman maganda na ang view, saka naman biglang dumating ang bagyo.

Agad kaming sumibat ng makita naming paparating ang daddy ni September. Hapon na rin, oras na ng uwian, kaya malamang hinahanap na ako sa bahay.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon