Chapter 17: Davember

31K 138 43
                                    

Chapter 17: 

 Maggie

I kissed Dave, and I think he liked it! ECHOS! Eee!!! Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit ko ginawa 'yun. Feeling ko tuloy na ang landi-landi ko. Pero ano bang problema, eh, boyfriend ko naman siya--wala naman, 'di ba? Ahihi.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at ang sumalubong sa akin ay ang nakahilera kong pamilya na nakahalukipkip ang mga kamay: si mama, MJ -- at ha?! -- pati ba naman si Marian? Bakit parang sa arte nila ay parang may kasalanan ako?

"Hi, ma! Sorry po kung ginabi ako." In-assume ko na lang na ang kasalanan ko ay ang pag-uwi ko ng late. "Kumain na po ba kayo?" Nagbeso ako kay mama, ginulo ang buhok ni MJ, at nag-kiss kay Marian. Wow! Walang effect? Patay?! Malaki yata ang kasalanan ko.

"Maggie, umupo ka muna. Mag-uusap tayo" ang sabi ni mama. Huluh?! Patay na'ko! Parang alam ko na ang sasabihin niya. Nang makaupo na ako sa sofa ay nagsalita na uli si mama ng "Kailan mo sasabihin sa amin, ha?!"

"Ang ano po, ma?"

"Naku, de-deny pa! Amin na kasi!" ang sabat ni MJ.

"MJ, tumahimik ka. Ano, Maggie? Hindi mo pa rin ba aaminin?"

"Ang ano nga po, ma?!"

"Na may ano ka na--"

"BOYFRIEND!" sigaw ni MJ.

"MJ! Ayan, Maggie! Ano, hindi ka pa rin aamin? Nakita ni MJ sa Facebook. Anak, kailan pa? Bakit 'di mo sinabi sa amin? Nauna pa talaga ang Facebook!"

"Nauna pa si Zuckerberg malaman na may bf ka na!" dagdag pa ni MJ.

"Ma--sorry po! Eh, kasi biglaan din po ang lahat. Nahihiya po akong sabihin kasi nga masyadong mabilis ang mga nangyari." Kinuwento ko na nga ang lahat tungkol sa amin ni Dave. Sa simula ay umaarte pa si mama na dismayado sa sobrang bilis ng pagsagot ko kay Dave, pero habang ikinukwento ko ang lahat ay hindi niya na naitago ang kilig na nararamdaman niya. Haay! I love my mom!

Dave

Habang naglalaro ako sa Facebook ay may biglang nagpop-out na tagged photo. Picture namin ni Maggie kanina. Ang cute namin. hehe. Nag-chat kami.

Maggie: Dave, isa lang ang itinag ko sa'yo. Ikaw na ang bahala kung gusto mong i-tag 'yung ibang pics.

Dave: Ok, thank u! :3

Maggie: Uy, alam na nina mama na tayo na ^^ <3

Dave: Talaga? O_o Mabuti naman :DDD <3 Anong sabi niya?

Maggie: Sabi niya kung tatakbo ka daw ba sa next election?

Dave: Kasi BOTO siya sa akin?

Maggie: hahahaha. TOMO!!! :*

...

Maggie: Hoy! May quiz tayo bukas sa Physics, nakapag-aral ka na ba?

Dave: yaan mo 'yun, saulado ko naman ang mga formulas. Hehehe :3

Maggie: Asus! Yabang! >.<

Dave: Masasabi mo bang mayabang ako kung ipagmamalaki ko na mahal kita? <3

Maggie: echusero!!!

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon