Chapter 37: Ube Mooncake

29K 143 35
                                    

Chapter 37:

Dave

“Uuugh!” ang paulit-ulit kong iling dahil sa ginawang pagtapak ni Maggie sa paa ko. Pakiramdam ko nabagsakan ang paa ko ng malaking bato. Parang may galit siya sa akin sa ginawa niyang pag-apak, pero alam kong biro niya lang 'yun, kaya pinilit kong hindi mapikon. Tumakbo siya pagkatapos niya akong tapakan, ngunit dahil sa sobrang sakit at sa dami ng dala ko, hindi na ako nag-abala pang tumakbo para habulin siya.

Binitbit ko uli ang mga dala namin: bag ko; bag niya; stuff toy na pina-trade namin mula sa Time Zone; Hav flip flops naming dalawa; at underwear ko  na binili namin kanina. Hindi man ako tumakbo ay pinili ko pa ring sundan siya. Ngunit mabilis siya—palibahasa payatot. Hinanap ko kung saan siya nagtungo ngunit sa paghahanap ko—ibang babae ang nakasalubong ko. 

Nagkabungguan kami ni September nang lumabas siya sa isang shop. Nagulat kami sa isa’t-isa.

“Ah…” ang tanging nabigkas ko. Unti-unti ko siyang nginitian. Ganun din siya.

“Bakit ka narito sa mall?” ang tanong niya. Tinignan niya ang wrist watch niya at sinabing, “3pm pa lang, ah? Wala kang klase?”

“Ah, eh…” Hindi ako makatingin nang diretso, habang pautal-utal akong tumugon sa kanya.

“Forget it! You cut your class, right? So who’s with you?” ang natatawa niyang tanong. Bahagyang lumaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Marahil ay nahalata niya agad ang ginawa kong (naming) cutting class, dahil hindi ako agad nakasagot. Matalino si Septemeber. Madali niyang naiintindihan ang kahit na anong bagay. Hindi lang siya matalino. Napakabait pa niya--at napakaganda.

“Dave?”  tanong niya. Nawala ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung paano magre-react. Mabuti na lang hindi ko kasama ngayon si Maggie.

“Huh? S-Sorry, ano nga uli ‘yun?” tugon ko.

“I asked you who’s with you.”

“None. Um, ako lang.”

Pinagtawanan niya lang ako.

“W-Why?” ang tanong ko dahil sa nakakadistorbo niyang pagtawa.

“You’re lying. You can’t lie to me, remember?” aniya.

Oo. Naalala ko noong kami pa. Sa tuwing magpapalusot ako sa kanya, lagi akong nabibigo—lagi niya akong nahuhuling nagsisinungaling. Magaling kasi siyang mag-obserba at magtanong. Sa tuwing mahuhuli niya akong nagsisinungaling, pinagtatawanan niya lang ako, saka ipapaliwanag kung paano niya nahalata ang pagsisinungaling ko. Gustong-gusto kong naririnig ang tawa niya. Mukha kasi siyang sosyal, pero kapag tumawa na, parang laking-kalye: walang poise.

Natawa ako dahil sa tawa niya at sinabing, “Okay, sorry.”

“Dave, you’re carrying two different bags. I'm sure it's not yours--and... you have stuff toy in you--para kanino ‘yan?” Ipinaliwanag niya sa akin ang dahilan kung paano niya nahalatang may kasama ako. Hindi ako pwedeng umamin sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihing: Hi, fiancée! I’m with my girlfriend. And you’re not my girlfriend, you're just my fiancée. This bag is hers, so is this stuff toy. Pero kahit alam kong mahirap magsinungaling sa kanya, nakaisip pa rin ako ng palusot.

Sinabi ko sa kanya, “Fine, Sep!” Iniabot ko sa kanya ang stuff toy na para dapat kay Maggie. Ito lang ang tanging bagay na naisip kong palusot. “I was about to surprise you, but apparently, eto na, nandito ka na. This is for you.”

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon