Chapter 6: In Action

37.2K 235 32
                                    


Chapter 6:

Dave

Saturday:

Weekend na naman, at dahil nakabalik na si Chloe, kami lang muna ni Don-Don ang magkasamang lalabas ngayon. Pero wala akong gana. Ni ayokong bumangon sa kama. Parang gusto kong matulog uli, pero pagod na sa pagpikit ang mga mata ko. Naaalala ko na si Maria na naman ang iniisip ko mula pa kagabi. Pati sa paggising ko, siya pa rin! Ang mga mata niya—napaka inosente. Hindi niya ako ginagayuma. Hindi. Hindi. Dahil kung oo, hindi dapat ako aware, at isa pa, nagpakita na sa akin ng pangre-reject si Maria kahapon nang hindi siya pumayag sa alok kong ihatid siya pauwi. Nainis ako, sa totoo lang. Hindi naman siya ganun kaganda para mag-inarte, pero  mali, eh—ugh!!! Bakit siya na naman ang iniisip ko? Hindi ko maintindihan.

“Oo,” sagot niya sa tanong kung may boyfriend na siya. Totoo nga ba? Pwes, aalamin ko. Teka, Dave! Bakit interesado ka? Hindi ko makuhang sagutin ang sarili ko, ngunit nang bigla’y naalala ko si Lani. Oo, tama! Gagamitin ko nga pala si Maria para pagselosin si Lani. Ngayon pang alam kong malakas ang effect ni Maria. Makakaganti rin ako. And this time, tuloy-tuloy na ‘to. Wala na ‘tong atrasan.

Kinakatok na ako ng katulong namin para mag-almusal, pero hindi ko siya pinansin.

10:45 AM na pala. Tinignan ko ang mobile phone ko para alamin kung may new message akong natanggap. 6 missed calls, 11 new SMS. Naka-silent mode ang phone ko sa t’wing matutulog ako dahil ayoko ng distorbo, at nang tignan ko na ang mga nag-miss call—ikinagulat ko ang isa sa kanila: 2 missed calls mula kay Don-Don, 1 mula kay mama, at 3 mula kay… LANI!

Nanlaki ang mga mata ko nang malaman kong tatlong beses niya akong sinubukang tawagan. Nagulat at nagtataka ako kung bakit, and then bigla na lang akong nainis dahil sa idea na kung kailan may bago na siyang boyfriend, at nasa final stage na ako ng moving on, eh, saka siya lalapit-lapit. Lalo tuloy akong nau-urge sa plano kong pagselosin siya.

Binuksan ko ang inbox ko. Una kong nabasa ang message ni mama na bumaba na para mag-almusal dahil late na. Si Don-Don naman ay nangungulit kung matutuloy daw ba kami mamaya sa Game Room; ang ibang message naman ay mga good-morning greetings mula sa iba’t-ibang babae; at ang dalawa ay mula kay Lani:

Message #1: Dave, tinatawagan kita. Ba’t d k smsgot? :/
Message #2:
Dave, may ssbhin aq sau. I’m calling u :(

Hindi na ako nag-reply sa kanya. Wala akong dahilan, at hindi na ako intersado. Noon, ako ang nagkakandarapa para maamo lang siya. Ngayon, ngumanganga muna siya.

***

Monday:

Lunch break na, and this time kasabay na naming tatlo si Chloe.

“Hey! Maria!” sigaw ni Chloe nang makita niya si Maria na mag-isang kumakain sa table niya—as usual.

“Dito ka na! Join us,” imbitasyon ni Chloe.

Si Maria naman na habang ngumunguya ay sumenyas lang ng two thumbs up at itinuro ang kinalalagyan niya. Ibig niyang sabihin ay OK lang daw siya sa lugar niya.

“Ah, guys! Babe, lipat tayo kay Maria.” Kinuha na ni Chloe ang tray ng pagkain niya at agad lumipat sa lamesa ni Maria. Hindi naman nakatanggi si Daniel sa girlfriend niya, at wala na rin kaming nagawa ni Don-Don kundi sumunod.

“Naku, Chloe. Nakakahiya naman sa inyo—kayo pa talaga ang lumapit. Pasensya na talaga, ha,” hiyang-hiyang pagpapaumanhin ni Maria.

“It’s not a big deal. We’re friends now, at isa pa, we’re classmates. At dahil wala kang kagrupo, sa amin ka na sasama. Tutal minsan ‘tong 3D na ‘to—”

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon