Chapter 53: Raise the White Flag

24.8K 237 272
                                    

Chapter 53: Raise the White Flag

Maggie

"One... Two... Three... Four... Five," dahan-dahan at pabulong kong binilang ang mga letters na dala ni Chloe. Muli kong naalala ang sinabi niya kaninang, "All of these were written for you, Mags--by Dave. Take time to read 'em, please?"

Hindi ko alam kung paano magre-react nang dalawin niya ako kanina. Una, si ate Beng, pagkatapos siya. Kabado talaga ako kanina. Mabuti na lang hindi sila nagpang-abot dito. Haaay! Ano ga 'tong araw na 'to? Magkasunod akong dinalaw nina ate Beng at Chloe. Tapos eto pa, may dala pa si Chloe na mga ganire? Nakaka-shit ang araw na 'to, promise!

Nakatunganga pa rin ako sa mga letters ni Dave. Ayokong basahin kahit isa man lang sa mga 'to. Ayoko. Ayoko. Ayoko talga. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko nang buksan ko ang isa--baby blue na envelope. Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ko 'to kaya binitawan ko na lang imbis na tuluyang basahin. Nakaramdam ako bigla ng kaba. Ano kayang isinulat niya? Galit ba? O panunuyo na naman? Kung galit, natatakot ako. Natatakot akong malamang sumuko na talaga siya. Kung panunuyo o panlalambing na naman, natatakot din ako. Natatakot akong bumigay.

Naalala ko na naman si ate Beng. Siya talaga ang pinakadahilan kung bakit ayoko na. Ayokong saktan siya. Siya na walang ginawa mula noong mga bata pa kami kundi maging kakampi ko, alagaan ako, ipagtanggol ako, mahalin ako. Siya na napakaganda, napakatalino, napakabait. Maswerte si Dave kay ate Beng. Mas matatanggap ko kung sila talaga ang para sa isa't isa. Mas bagay sila. Pero tang ina pa rin sila.

Matindi ang ginawang masama ni Dave sa'kin, pero dahil sa tindi rin ng mga ginawa niya para makabawi at mapatawad ko siya--lahat ng galit ko, nawala. Pero talagang hindi na pwede. Ayoko nang makipagbalikan sa kanya--kahit gustong-gusto ko na talaga.

Naninikip na naman ang dibdib ko kapag naiisip kong hindi na pwede. Sarili ko mismo ang nagbabawal sa'kin. Bumibilis na naman ang paghinga ko. May pumatak na namang luha sa'kin, pero pinunasan ko.

Hindi ko sila babasahin, promise! Kinuha ko lahat ng letters para itago sa isang box kung saan naroon lahat ng bagay na galing kay Dave. Pagbukas ko ng box, bumungad sa'kin ang dalawang carebears na isa galing sa EK, at isa galing sa TZ. Nandito rin ang pilas ng papel na sinulatan niya ng Dear Physics sa notebook ko. Nandito rin ang key chain na may pangalan niya. Nandito rin ang cell phone na sinira niya na pinulot ko noong time na nakita ko siyang galit na galit sa isang eskenita. Nandito rin 'yung gift niya kahapon na hanggang ngayon, hindi ko pa rin binubuksan. Nandito rin 'yung rose kahapon at 'yung isa pang rose na pinakauna niyang binigay--lanta na sila pareho. Nandito rin 'yung flash drive. Nandito lahat--kumpleto pa.

May ilang pictures din kami dito na magkasama. Hindi ko napigilang umiyak nang pumasok sa isip kong hindi na mauulit ang mga pictures naming magkasama't nakangiti. Hindi na rin madadagdagan ang laman ng box na 'to. Malamang, last na ang mga letters na dala kanina ni Chloe.

Ang bigat sa dibdib. Ipinasok ko ang letters ni Dave sa box. Gusto kong itapon o sunugin ang lahat ng laman ng box na 'to pati na ang couple shirts naming nasa loob ng cabinet ko--pero--ayoko. Hindi ko pa kayang pakawalan ang mga ito--ang mga natitirang bagay na nasa akin mula kay Dave.

Natukso na talaga ako kaya kinuha ko ang isa sa mga letters niya at binasa.

Dear Maggie,

Shit! Dear Maggie palang kinabahan na ako.

Hi, Ube ko! He he. Napapakamot ulo na naman ako. Hindi ko kasi alam kung pang-ilan na ba 'to sa mga letter na naisulat ko na para sa'yo. Madami kasi akong gustong sabihin sa'yo. Gusto kitang gawan ng tula, ng tulyan, at kung anu-ano pa, pero nahihirapan talaga ako, kaya kung ano na lang ang pumasok sa isip ko ngayon, 'yun na lang ang isusulat ko.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon