Chapter 13: The Road

33.8K 203 59
                                    

Chapter 13:

Dave

Naninikip ang dibdib ko. Kanina ko pa ito actually nararamdaman—sa bahay pa lang nina Maria. Nahihirapan akong huminga. Ang lalamunan ko parang kumikipot, nanlalabo ang paningin ko, at nangangati ang buong katawan—pati mata ko—parang namamaga; kaya agad kong itinigil ang pagda-drive. Agad kong tinawagan si mommy at sinabi kung nasaan ako at kung ano ang nararamdaman ko.

Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. Basta ang alam ko lang ay dumating sina mommy at si manong Robbie at dinala ako sa ospital. Nalaman ko lang na allergic reaction pala ang nangyari sa akin nang maging maayos na ang pakiramdam ko. Kung hindi naagapan, malamang nauwi daw ako sa anaphylactic shock sabi ng doktor.

Allergic pala ako sa kinain kong alamang kina Maria. Buti na lang dahil naagapan—at dahil mabilis ang recovery ko ay hindi na ako kinailangan i-admit. 11PM na kami nakauwi.

“Dave, hindi ka muna papasok bukas—that’s my decision!”

OK na naman ako, pero kapag sinabi na ni mommy ang ‘that’s my decision’, hindi ka na pwedeng tumanggi. 

Maria

Nililigawan na ako ni Dave? Ang gaaandaaa kooo!!! Daddy Lordie, anong pakulo po ito? Kung anuman po ‘to—please po—sana tuloy-tuloy na ‘to!

Nanginginig ang buong katawan ko sa loob—hindi ko maintindihan ang feeling! Nananaginip ba ako o nagpapantasya nang gising? Kung anuman ‘to—Maggie, ang ganda-ganda mo—SWEAR! Kaya kung tama ang hinala mo na nananaginip ka lang, h’wag na h’wag mo nang balakin ang gumising pa!

Nang makaalis si Dave ay agad akong nagkulong sa kwarto ko. Alam ko kasing ii-interrogate ako ng buong pamilya ko dahil sa pag-amin na iyon ni Dave!

October 22! This is one my best day since birth here on earth! Ibang-iba ito sa lahat. Buong araw na si Dave ang kasama ko, at ang buong araw ko na ito ay punong-puno ng kalandian! Ayieeh!!!

Walang negative na nangyari today! Binigyan ako ng chocolate ni Dave; ipinagdala niya ako ng bag at libro ko kanina; nagkulitan kami sa library; nag-HHWW kami; hinatid niya ako pauwi; kumain siya dito sa amin; nakilala niya ang buong pamilya ko; at higit sa lahat—inamin niya sa buong pamilya ko na nililigawan niya na ako. Bakit ba hindi ko napansin na ang suma tutal ng lahat ng nangyari ngayong araw sa amin ay isa na palang uri ng panliligaw? Bakit?

Napatingin ako sa salamin. Babaeng morena, walang buhay ang buhok, makapal ang kilay—pero maganda ang mga mata mo, Maggie, ha! Parang latina! Iiieeehh!!! Echusera! Oh, ang ilong ko—matangos—two points na! Ang lips ko? Hindi naman makapal, masyado nga lang manipis, at hindi pink! Madadaan naman siguro ito sa lip gloss. At syempre, ang ngipin ko—thanks sa braces ko—ang ganda na, ha! Three points?! Haha. Kaso ang noo ko, ang dami atang pimples? Kainis! Mag-bangs kaya ako? Hmmm???

Natigilan ako bigla. Bakit gan’to? Bakit conscious na ako sa mukha ko? Eh, kasi naman ang gaganda ng mga babae sa S.H.U., eh! Siguro kung hindi ako pumasok dun, hindi bumaba ang self-esteem ko nang ganito. Nakakainis lang. Ang gaganda kasi nila. Siguro kung naging lalake ako, magpapaka-playboy ako sa mga babaeng ‘yun. Luh! Playboy daw? Eh, baka nga lalo akong pumanget kung naging lalake ako, eh!

Pero sila nga ba ang dahilan o si Dave mismo? Masyado kasi siyang gwapo para sa akin. Totoo ba talagang gusto ako ni Dave?

Haay! Wala akong maisip na iba kundi si Dave lang. Bakit ako? Kung ‘yung Lani na ‘yun ang ex ni Dave—luh! Anong panama ko sa kanya? Hindi kaya na-in love na si Dave sa boses ko? O baka kaya sa galing kong magluto? O baka naman nakita niya ang kagandahang loob ko? Iiieeehhh!! Dave naman, eh!

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon