Chapter 24: Relationship Status

30K 147 5
                                    

Chapter 24:

 Maggie

Nagkatinginan lang sina Don-Don at Dave na parang may bagay na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Maging sina Chloe at Dan ay napatitig din sa isa't-isa. Bakit kaya? Hindi kaya ito na ang hinihintay kong pagbati sa akin ni Dave?

Wala pang ibang tao dito sa Cafe Love bukod sa grupo namin, at nang bigla ay sabay-sabay sumigaw sina Don-Don, Chloe, at Dan ng "Happy Monthsary, Dave and Maggie", sabay sabog ng confetti sa amin na animo'y bago kaming kasal.

Napangiti ako ng malaking-malaki.

Dave

"Iyong kagabi -- sabihin mo na kay Maggie" ani Don-Don sa akin.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Dapat kasi ipinaalam ko na lang muna kay Maggie bago ko iyon ginawa -- pero wala, eh, nagawa ko na.

Mula kay Don-Don ay ibinaling ko ang atensyon ko kay Maggie. Kung anuman ang masabi ko, bahala na.

"Maggie, ano kasi..." Nakangiti si Maggie at parang nakatulala sa hangin kaya tinapik ko siya.

"Hey! Maggie."

"Ayy..." nagulat siya. Anong nangyari sa kanya? Nag-daydream ba siya?! Siguro?! Ewan?!

Itinuloy ko na lang ang sasabihin ko. "Ano kasi, Maggie -- tine-text kita kagabi, tsaka tinawagan, pero hindi ka sumasagot."

"Eh, kasi nga nakalimutan ko, naka-silent pala ang cell phone ko kagabi, tsaka busy ako sa pagluluto ng spaghetti. Ano bang sasabihin mo?"

Huminga ako ng malalim pero hindi ko ipinahalata. "Maggie, inalis ko na ang relationship status natin sa Facebook."

Maggie

Nag-imagine na naman ako ng kung anu-ano. Nagulat ako nang tapikin ako ni Dave -- pero mas nagulat ako sa sinabi niya.

WOW! AS IN WOW! Madalas yata ang mga surprise sa akin ni Dave, ah?! Kahapon, girlfriend niya daw ako, joke lang; ngayon naman, kung kailan monthsary namin, saka niya sasabihing HINDI NA KAMI SA FB! In the first place, hindi ko naman sinabi sa kanya na ilagay niya sa FB ang relasyon namin, eh, pero kahit pa ganoon, nasaktan ako. Grabe na ba talaga ako kapanget para ikahiya niya?! Sabi niya dati "Kahit panget ka, mahal pa rin kita!" Well, these past few days, hindi ko na 'yun nararamdaman.

Oh, my! Maggie. Kalma. Relationship status lang 'yan!

Nakaramdam ako ng kuryente sa ulo ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapag-isip ng isasagot ko. Pakiramdam ko, bigla akong nawala -- napunta sa ibang lugar.

"Maggie, galit ka?"

"Huh?"

"Sorry na kung hindi ko agad nasabi sa'yo." Inikot ni Dave ang upuan niya para humarap sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko nang mahigpit at tinitigan ako sa mga mata ko. Nakakatunaw siyang tumingin. Eto na naman ako, napapapigil sa paghinga.

"Sorry na! Ganito kasi 'yun, inalis ko na lang ang relationship status natin para makaiwas tayo sa kung anu-anong negative comments. Ayoko namang pagpyestahan tayo ng mga taong makikitid ang utak. Sana maintidihan mo. Sorry na, ha!"

Hindi ako nakasagot kay Dave.

"Maggie, uy! Relationship status lang naman 'yun sa Facebook, 'di ba?! Ours is greater than any of it, right?"

Oh, ayan! Idinaan niya na naman ako sa mga salitang ganyan. Pa-sweet. Pa-quotable. Haay! Sumagot na ako sa kanya ng "D-Dave...wala namang kaso sa akin 'yun! Hayaan mo na. OK lang". Tinanggap ko agad ang sorry ni Dave. At first, oo, nakakainis 'yung ginawa niya na hindi man lang muna sinabi sa akin bago niya alisin, pero dahil ngayong nag-explain na siya, at alam ko namang balak niya talagang ipaalam iyon kagabi pa lang, eh, nag-pretend na lang ako na walang kaso sa akin ang ginawa niya.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon