Chapter 50: A Free Rapunzel

24.5K 132 79
                                    

Chapter 50: A Free Rapunzel

Don-Don

"Awww..." ani Chloe pagkatapos mabasa ang isa sa mga letters ni Dave para kay Maggie. "Maggie's so haba ng hair... Sometimes, I kinda wonder what Maggie's life strory really like! At first, I thought it was like--Beauty and the Beast," sabay halumbaba niya. Natulala pa siya sa hangin na animo'y may pinapanuod na eksena.

Pero teka lang--anong ibig niyang sabihin sa Beauty and the Beast? Huwag niyang sabihing si Maggie ang beast? Napasiko ako bigla kay Daniel at bumulong ng, "Girlfriend mo, nababaliw na."

Sinipa naman ako ni Dan bilang ganti, habang si Chloe naman ay nagpatuloy, "And then I also thought, it was like--Ugly Duckling."

Ugly duckling? Teka, sobra naman ata. Kaibigan pa ba namain ang bansot na Chloe na 'to?

"But today, hers is just  like Rapunzel. To think, guys, ha, that Dave did everything just to be forgiven by Maggie... And Maggie's like so pakipot pa?! Haba talaga ng hair!" dagdag pa niya.

Biglang sumingit si Dan. "Ano na, Babe? Are we going to talk na ba--on how can we help them reconciliate?"

Haay salamat! Boyfriend na mismo ni Chloe ang sumuko sa kaartehan niya.

"Okay, guys, later na these," ani Chloe habang inaayos ang letters ni Dave. "Now, here's the plan," sabay patong ng dalawa niyang kamay sa lamesa. Nagkatinginan na lang kami ni Dan. Siya talaga sa barkada ang pinaka-bossy. "Um, I'm thinking--of something that can--that can make the both of them realize each other's halaga sa isa't-isa. Y'know that? One should be kawawa while the other will make awa."

Wala akong masabe sa kaartehan niyang magsalita! Ewan ko, pero wala naman akong magawa kundi makinig na lang sa kanya.

Nagpatuloy pa siya. "What I mean is this: Kailan ba tayo nagwo-worry sa loved ones natin?"

Nagkatinginan uli kami ni Dan--tapos kay Chloe naman. Naghihintay siya ng sagot mula sa'min. Nagkatinginan lang kami, hanggang sa sinagot ko na siya ng, "Hit it, Chloe!"

Nagtaka siya at sinabing, "Hit what?"

"I mean, go straight to the point! What's your plan?" tugon ko.

"Okay, fine," sabay irap. Minsan talaga, napapapaisip ako kung sa pag-irap ba siya pinaglihi ng nanay niya, o si Erap ang tunay na tatay niya--mukha na siyang irap sa kakairap sa'kin. "Here's Plan A!" tinuloy niya.

Plan A? Ibig sabihin may B, C, D, hanggang Z? Ugh! Basta talaga sa mga ganitong gimik, mayamang-mayaman ang girlfriend ni Dan.

"Dave must be confined not in his room--but in the hospital!"

"Ha?!" sabay kaming nagulat ni Dan.

"Hospital? How can we do that, babe?" tanong ni Dan. Pareho kaming nagulat sa sinabi niyang hospital.

"Calm down babe! Um, that's why we're gonna do brainstorming!" sagot ni Chloe sa boyfriend niya.

"Brainstorming? Seriously? Ia-admit natin siya--sa anong dahilan? Mga doktor ba tayo?" sunod-sunod kong mga tanong.

"Oh, my God! Donito!" sabay hawak sa noo niya.

"Donito your face! Bansot!" agad kong ganti. Alam na alam niyang ang totoo kong pangalan ang nagpapairita sa'kin kaya tuwang-tuwa ang bansot na 'to sa t'wing babanggitin niya iyon.

My GF Is So Panget (Various Faces of Liars)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon