37

11.7K 207 23
                                    

One Week Later, the Interview...

"ANG SWEET at ang cute po ng pagsisimula ng love story niyo," Kinikilig na komento ni Cara---ang writer na kasalukuyang nag-i-interview sa kanila para sa article na balak nitong i-publish sa magazine kung saan ito nagtatrabaho. Pinakuwento nito ang love story nila. "At ngayon nga po ay kayo na. Is the love become sweeter and better?"

Tumingin muna si Daphne kay Jaxon. He looked tense. Tumingin rin ito sa kanya na para bang naghihintay ng isasagot niya. Pero hindi rin siya kaagad makasagot. Hindi niya alam kung paano.

"Ma'am? Sir?"

Huminga nang malalim si Daphne. Napapikit rin siya. The past weeks had been very challenging for the both of them. Kaya hindi niya masasabi kung sweeter o naging better ba talaga sila. At kahit isang linggo na rin na nakalilipas simula nang matapos dapat ang problema nila ay parang hindi pa rin iyon naayos.

Naalala pa rin ni Daphne ang gabi kung kailan ginising siya nang tawag ni Jaxon. Mabigat pa rin ang loob niya pero nang marinig ang tila sakit at lungkot ng boses nito ay napalitan iyon ng awa. Kahit malalim na ang gabi ay pinuntahan niya si Jaxon...

"What happened?" wika niya nang mapuntahan si Jaxon. Nasa ospital ito.

"We lost the baby..."

Napakurap si Daphne. "P-paano?"

Huminga nang malalim si Jaxon, mukhang hirap na hirap ito. "She had a chronic abdominal pain and heavy bleeding. Dinala kaagad siya ng kaibigan niya sa ospital pero huli na ang lahat. Nalaglag na ang bata..."

Napahawak si Daphne sa bibig. Hindi niya alam ang dapat na sabihin. Alam naman niya na may chance na puwede nga na mangyari iyon dahil sa naging resulta ng check up. Pero hindi pa rin siya makapaniwala. Napakabilis ng pangyayari.

"It's over now..." Tumingin sa kanya si Jaxon. Parang may pumiga sa puso niya nang may tumulo na luha sa mata nito. "W-wala na ang baby. Wala na tayong problema..."

"D-Don't say it like that..."

"Pero problema naman natin ito 'di ba?"

"A baby is never a mistake..."

Tumango si Jaxon. "Yes. But it made you feel that way. At hindi rin naman kita masisisi..."

May point naman si Jaxon. Dapat ay tapos na ang problema nila. Wala na itong responsibilidad sa iba. Pero hindi pa rin maalis ang sakit sa puso ni Daphne. Hindi niya nga lang alam kung saan pa nga ba nangagaling iyon.

Iyon rin ang dahilan kung bakit isang linggo na ang nakalilipas ay hindi pa rin sila lubos na okay ni Jaxon. Nagkikita naman sila, nagkakasama. Pero malaki ang naging pagbabago. May pagkailang at mararamdaman ang lungkot sa mga aura nila. Pansin na pansin rin iyon ng mga nakakasama nila. Ilang beses na nga siyang tinanong ng magulang niya tungkol sa problema. But she remained her silence. Sa tingin niya, nararamdaman rin iyon ni Cara.

Tumikhim si Jaxon. Sa halip na siya ang sumagot kay Cara, ito na ang nanguna. "We are stronger now. Iyon ang pinaka-best answer,"

"Why? May mga challenges ba kayong kinaharap?"

Tumango si Jaxon. "I-I had a girl pregnant. A girl that I was with before her..." Ikinuwento ni Jaxon ang nangyari sa harap ni Cara. All details. Tahimik na nakinig lang siya rito.

Napakurap si Cara nang matapos si Jaxon. Tumingin ito sa kanya. Parang hindi ito makapaniwala. "And you still stay with him despite of this?"

"I-I love him..." Tumingin si Daphne kay Jaxon. Naiiyak siya. Parang may mainit na kamay na pumalit sa akala niyang hindi na maalis na mala-bakal sa bigat sa puso niya. "I love him so much that I can embrace all his faults and past mistakes,"

"Pero umiiyak ka na naman," Mapait ang ngiti ni Jaxon.

"Umiiyak ako kasi naiinis ako sa sarili ko. Na-miss ko ng sabihin na mahal kita,"

"Hmmm... or naiiyak ka pa rin kasi masama ang loob mo?"

"But you can't blame me for being so..."

"I don't blame you. And I won't blame you ever. Ako ang dahilan kung bakit ka nasaktan. Mas sinisisi ko ang sarili ko," Parang naiiyak na rin si Jaxon. "I love you so much, Daphne. Kaya iintindihin ko kahit sumama ang loob mo. Hindi naman talaga madaling tanggapin ang lahat,"

Umiyak si Daphne sa dibdib ni Jaxon. "Yes. Gusto kong intindihin, gusto kong sumuporta. Pero mahirap pa rin sa akin ang lahat. May mga oras na gusto ko na lang sana na bumitaw. I don't deserve any of what I'm being given. Iyon nga lang, mas mahirap para sa akin ang lumayo sa 'yo.

"Nanatili ako kahit masakit. Kaya lang, nahirapan naman akong i-conceal ang sakit. Hindi ko maibalik tayo sa dati dahil nasasaktan ako. Pero alam kong mali. Dahil hindi lang rin naman ako ang nasasaktan. Ikaw rin. You lost someone,"

"It might not really be my lost. Masyado lang akong umako ng responsibilidad."

"We don't know the chances. Pero aminin mo, nasaktan ka rin."

Tumango si Jaxon. "Sabi mo nga, a baby is never a mistake. Sandali ko lang nalaman ang existence ng bata at hindi ko nga alam kung talaga ba na sa akin. But I felt a connection. I was devastated by the lost. And I felt more devastated because I knew my past still hurt you..."

"I'm sorry. I'm so sorry..." Napahagulgol si Daphne. May kasalanan nga siguro si Jaxon. Pero mas may kasalanan siya. Nakaraan na ang kasalanan ni Jaxon, pero dinagdagan niya pa iyon ng pag-iinarte niya. Parang sumama tuloy ang loob niya sa sarili niya.

"It's all right. Ako naman talaga ang may malaking pagkakamali,"

"Yeah. But please let me say it. Gumagaan ang pakiramdam ko. Parang naalis ang tinik sa dibdib ko..."

"Okay, then. Your wish is my command," wika ni Jaxon at hinalikan siya sa ulo. "Pero tumahan ka na, okay?"

"Okay na tayo?"

"Okay naman tayo. Ikaw lang ang nagtatampo..."

Humikbi-hikbi si Daphne. "I-I think I'm okay. Nasabi ko na ang nasa loob ko..."

"Sure?"

"Mahal pa rin naman kita kaya alam ko na kahit anong mangyari, magiging maayos pa rin tayo. I just need some time to heal the pain,"

Ngumiti na si Jaxon. "That's good. That's so good. I miss you so much..."

Niyakap siya ni Jaxon. Nag-uumpisa na ulit silang maglambingan nang tumikhim si Cara. Para silang mga highschool student tuloy na nahuli ng teacher na naglalandian. Namula sila.

"I-I'm sorry. We forgot about you,"

Ngiting-ngiti naman si Cara. "You are both so in love! Akala ko tumigil na ang mundo niyo sa isa't isa, eh..."

"Well, I think my world really stops when I look at her..." Jaxon said and lovingly looked in her eyes. "And most especially when I kissed her..."

Hindi na hinintay ni Daphne na manguna si Jaxon na gawin ang sinabi. Inilapit na niya ang mukha rito at hinalikan ito sa labi. Muntik na naman siyang mapaiyak dahil tuluyan ng nawala ang sakit sa puso niya dahil sa sakit. She feels so light...and loved.

Love is really the most powerful thing in the world. And its amazing what it can do to a person. Kagaya na lang ng nangyayari sa kanya ngayon. Kapag nagmamahal ka, nagiging mundo mo na rin ang taong mahal mo. Thus, you only just see them and forget about everything that matters.

Kagaya na lang ng presensiya ni Cara. Narinig niyang tumikhim ulit ito pero sa pagkakataong iyon ay hindi na niya ito pinansin. Ganoon rin si Jaxon. Ibinalik rin nito sa kanya ang halik. They missed and love each other. And for now, that's all that matters.

Jaxon, The In Denial PlayboyWhere stories live. Discover now